Young actress kinakawawa ng ina, malapit na raw magrebelde
KUNG daanin man sa pagrerebelde ng isang young actress ang mga pinagdadaanan niyang problema sa kanyang pamilya ay hindi na kataka-taka. Matagal nang inaasahan ‘yun ng mga nakakatrabaho ng batang aktres.
Hindi man nagsasalita ang young female personality dahil ayaw na niya ng gulo ay nakararating pa rin ‘yun sa kanyang mga kaibigan at katrabaho, pati sa produksiyong nag-aalaga sa kanyang career, walang naitatago sa kanila.
Kuwento ng aming source, “Madalas tumawag sa road manager niya ang bagets, nagpapasundo siya sa bahay nila, dahil wala siyang sasakyan. Nagpapasundo at nagpapahatid siya pagkatapos ng work niya.
“Paano nga, kapag may hindi sila pinagkakasunduan ng mommy niya, e, idinadaan ‘yun ng mommy niya sa pagpaparusa sa kanya. Wala siyang sasakyan, nasa garahe lang, pero ayaw ipagamit ‘yun sa kanya.
“Ang gusto ng mommy niya, e, mag-taxi na lang siya, nakakaloka naman ang nanay na ‘yun! Nagtatrabaho ang anak niya, pero ginaganyan niya?” napapailing na kuwento ng aming source.
Isang mahalagang rehearsal ang kailangang puntahan ng young actress, siya na lang ang hinihintay ng mga kasamahan niyang artista, pero siyam-siyam na ang kanilang paghihintay ay wala pa rin ang girl.
“Nu’ng finally, e, dumating na siya, mugtung-mugtu ang mga mata niya, kagagaling lang niya sa pag-iyak, ang mga kasama niya ang nagkuwento kung bakit.
“Ini-lock ng mommy niya ang mismong kuwarto niya habang nasa labas siya, hindi makapasok ang girl, maligo man siya sa maid’s room, wala naman siyang maisusuot dahil sarado nga ang room niya.
Pinahirapan na naman ng mommy niya ang girl, nagtalo na naman pala sila, kaya ayun, ang young actress na naman ang napuruhan!
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nakakaloka ang nanay ng batang ‘yun! Ipatapon n’yo nga siya sa Saigon!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.