Pen Medina inisip na magiging pabigat nang magkasakit, labis ang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya
HINDING-HINDI malilimutan ng beteranong aktor na si Pen Medina ang mga taong malaki ang naitulong sa pagbabayad ng hospitalization niya at sa iba pang gastusin niya para manumbalik ang lakas niya pagkatapos niyang maoperahan sa spine sanhi ng pansamantala niyang pagka-baldado.
Sa ikalawang panayam ni Pen kay Julius Babao na uploaded ngayon sa Julius Babao Unplugged YouTube channel na umabot na sa 1M views sa loob lang ng isang araw.
Naikuwento ni Pen ang dalawang personalidad na sobrang laki ang naitulong sa kanya, sina Senador Robin Padilla at Coco Martin.
“Si senator Padilla, Robin. Tinawagan pa ako ni Betchay (manager ng senador). Sabi ko pakisabi maraming salamat. Tapos sinabi nandito kaya sabi ko, pakausap. Ang tagal king nakasama ‘yun nu’ng araw kahit minsan hindi kami pananaw sa politika,” sabi ng aktor kay Julius.
Dagdag pa, “nagulat talaga ako, si Coco (Martin). Nakasama ko siya ng-uumpisa palang siya nakagawa kami ng indie (film), isa lang eksena niya hindi ko siya kilala (kasi) hindi ko napapanood mga pelikula ni Direk Brillante Mendoza. Tapos nakaupo siya (Coco) do’n sa sulok tinanong ko ‘sino ‘yun? Kasama ba natin? Pogi, ah.’
“Hindi ko kasi kilala (noon) ang mga kabataang artista. Sabi ko anong role niya? Kasi nabasa ko ‘yung script wala naman akong nabasang ganu’n karakter, sabi nga isang eksena lang mandurukot yata. Tapos nakasama ko siya, kinuha ako sa Noy (2010), siya ang producer no’n kilala na siya”
Dugtong tanong ni Julius kung bakit nagulat si Pen sa naitulong ni Coco, “ang laki nu’ng tulong niyang pinansiyal. Hindi naman sinagot lahat pero malakim si Robin din malaki kaya lang mas nagulat ako kay Coco.”
Pero bago naman nakapagbigay sina Robin at Coco ay naunang magbigay ng tulong ang mga kamag-anak niya dito sa Pilipinas at ‘yung nasa ibang bansa na nagta-trabaho sa isang casino kaya abut-abot ang pasalamat ni Pen sa kanila dahil ito ang nagamit at niyang panggastos habang hindi pa siya nagpapa-opera na umabot pa sa isang buwan, nangutang din siya sa mga anak niya.
At ang hindi malilimutan ng beteranong aktor at ng wife niyang si Tess Antonio ay ang netizens na nag-extend ng tulong nila sa pamamagitan ng G-cash na kahit magkano ay nagbigay kaya naluha pa ang huli habang nakuwento niya ito dahil humingi pa raw nag pasensya sa nakayanan.
Baka Bet Mo: Pen Medina emosyonal na nagpasalamat kay Coco: ‘Nu’ng maoperahan ako siya po ang pinakamatinding tumulong sa akin’
“May ten pesos, may three pesos (sabi nila) ‘pasensya na po ito lang laman ng G-cash ko kaya ako nire-replayan ko ng God Bless You! Gusto nilang (makatulong), pay it forward kung anuman ‘yun. Nakaka-humble ‘yung mga (nagbigay) ng ganu’n, bente, fifty pesos at saka pag tinext ko para mag thank you, nagre-reply pa sila ng ,’pasensya na ha?’ sila pa ‘yung ganu’n nakaka-happy po,” kuwento ni Tess kay Julius.
Tinanong ni Julius ang aktor kung ano ang realization niya habang naka-confine siya sa hospital.
“Ang ano (iniisip) ko no’n, wow magiging pabigat ako. Naiiyak ako. Ayoko ‘yun, pinakaayaw ko ‘yun na ma-ospital ako babantayan ako kaya lang gusto kong gumaling ako para maituloy ko ‘yung ginagawa ko (umarte). Pero pa kaming maliit na anak, eh. Nag-aaral pa ‘yung panganay namin.
“Kailangan ‘yung responsibilidad ko maituloy ko tapos kung sakaling ma-operahan ako baka mag-fail, di ba? Lahat ‘yun tumatakbo sa isip ko at hanggang kailangan ako dito sa ospital kasi nararamdaman ko na grabe, ayaw kong paopera kaya naisip ko gagaling pa kaya ako? Tapos nu’ng pini-physical theraphy ako parang walang nangyayari mas lalong nagiging grabe ‘yung nararamdaman ko,”balik-tanaw ni Pen.
At ang tatlong dahilan na sinabi ng duktor kaya napapayag ang aktor na magpa-opera.
“Sa nararamdaman mo ngayon parang pa-grabe ng pa-grabe magiging unconfident ka, wala ka ng control sap ag-ihi, vowel movement walang kontro tapos hindi na tatayo (private part) ha, hahaha,”tumawang kuwento ng aktor.
Natawarin si Julius, “ha, ha, doon ka natakot, ha, hahaha.”
“Sabi ko operahan n’yo na ako ngayun din, ha, ha, hahaha” sabi ni Pen.
At hindi naman nabigo si Pen dahil successful ang operasyon niya sa spine.
Kahit nakalabas na ng hospital ang aktor ay tuluy-tuloy pa rin ang gastusin niya para sa mga gamot, pangangailangan nila sa araw-araw, pambayad ng renta ng bahay at iba.
Nang medyo okay na ay kinumusta siya ni Coco at inalam ang kundisyon ng aktor at sinabihang handa na ba siya uling magtrabaho dahil isasama siya sa “FPJ’s Batang Quiapo” para hindi ito naiinip sa bahay.
Naikuwento rin ito ni Pen sa grand launching ng BQ noon at muli niyang pinasalamatan si Coco sa lahat ng tulong nito sa kanya.
Makikita naman sa karakter ni Pen sa serye na hindi siya binigyan ng mabigat na role bilang ama ni Lovi Poe as Mokang
Related Chika:
Pen Medina tuloy na ang spine surgery, pamilya nagpasalamat sa lahat ng nag-abot ng tulong pinansiyal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.