Pen Medina emosyonal na nagpasalamat kay Coco: 'Nu'ng maoperahan ako siya po ang pinakamatinding tumulong sa akin' | Bandera

Pen Medina emosyonal na nagpasalamat kay Coco: ‘Nu’ng maoperahan ako siya po ang pinakamatinding tumulong sa akin’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 10:33 AM

Pen Medina emosyonal na nagpasalamat kay Coco: 'Nu'ng maoperahan ako siya po ang pinakamatinding tumulong sa akin'

Coco Martin at Pen Medina

MALUHA-LUHANG nagpasalamat ang veteran actor na si Pen Medina kay Coco Martin dahil sa pagbibigay nito ng tulong sa kanya noong kinailangan niyang sumailalim sa operasyon.

Hindi napigilan ni Pen na maging emosyonal nang ilahad kung paano siya tinulungan ni Coco na makabangon muli matapos malagay sa alanganin ang kanyang buhay.

Naibahagi ng beteranong aktor ang tungkol dito sa grand mediacon ng “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Martes, February 7, ang pinakabagong serye ni Coco sa ABS-CBN na siyang papalit sa magtatapos nang “Darna.”

Kung matatandaan, sumailalim ang 71-anyos na aktor noong July, 2022 sa isang spine surgery at kinailangan nga niya ng malaking halaga para rito.

Ito’y matapos nga siyang ma-diagnose ng Degenerative Disc Disease (DDD) na isang “age-related condition” kung saan “one or more of the discs between the vertebrae of the spinal column deteriorates or breaks down, leading to pain.”

Nanawagan siya at ang kanyang pamilya sa publiko ng pinansiyal na tulong para sa tuluy-tuloy niyang pagpapagamot at isa nga si Coco sa mga taong nagpahatid ng assitance sa kanya.

“Napakalaki po ng pasasalamat ko dahil yun nga po naospital ako, naoperahan. Napakatindi po ng aking pinagdaanan.

“Ayon pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya po noong lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya.

“Tinext ko siya, para magpasalamat nang personal aside from my post na pang-general sa lahat ng tumulong at nagdasal,” lahad ni Pen.

At mas lalo pa raw siyang nabuhayan ng loob nang kunin siya ni Coco para gumanap na tatay ni Lovi sa “Batang Quiapo”, “Alam ko na alam niya na kailangan kong bumangon pa, kagaya ng ginagawa niyang pagtulong sa napakaraming mga walang trabahong artista.

“Sabi niya sa akin ‘Tito Pen, kaya mo na ba? Malakas ka na ba? Mag-taping tayo para hindi ka mainip sa bahay.’

“Ganoon lang kasimple, kaya tuwang-tuwa po ako, napakalaking bagay po ito sa akin at sa aking pamilya,” aniya pa.

Bukod dito, binigyan din ni Coco ng trabaho ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Medina at Ping Medina, “Kaya I love you, yun lang masasabi ko, I love you Coco, napakalaki ng utang na loob ko sa iyo.”

Reaksyon naman ni Coco sa madamdaming pahayag ni Pen Medina, “Kasi nagsimula rin talaga ako sa wala. Sabi ko nga dati, ano lang ako extra, naranasan ko first acting experience ko minura ako ng direktor tapos pinapapalitan ako. Mahirap yung pinagdaanan ko bago ako maging ganap na artista talaga.

“Tapos hindi man totally na artista yung pangarap ko kundi normal lang na trabaho pero ang hirap ng oportunidad.

“Naranasan ko dati kahit nag-e-extra ka na, merong six months na wala, yung nag indie films ako naranasan ko na two thousand lang yung binayad sa akin, pero ako ang bida sa buong pelikula.

“Kumbaga, talagang gapang tapos ang lagi ko noong hinihintay ay oportunidad,” sabi pa ni Coco.

“Ngayon na kahit paano may pagkakataon ka, nasa kamay ko na tumulong, bakit ko ipagkakait? E, kasi ayan yung hinihintay ko dati, para mabuhay ko yung pamilya ko. Kaya kapag nakikita ko yung mga tao na kung pupuwede kong tulungan at nakikita kong deserving, bakit hindi?

“Bakit ko papahirapan pa, kasi ang binibigay ko naman sa kanila trabaho, hindi naman manggagaling sa bulsa ko yung papasahod. Pero isa lang yung hinahanap ko sa kanila, yung commitment, dedication, at pagiging propesyonal, yun lang,” pagbabahagi pa ni Coco Martin.

Pen Medina binanatan matapos sabihing hindi epektib ang face mask kontra COVID-19

Pamilya ni Pen Medina dedma sa bashers na nang-okray sa paghingi nila ng tulong pinansiyal; ipinagtanggol ng netizens

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pen Medina tuloy na ang spine surgery, pamilya nagpasalamat sa lahat ng nag-abot ng tulong pinansiyal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending