Pen Medina tuloy na ang spine surgery, pamilya nagpasalamat sa lahat ng nag-abot ng tulong pinansiyal | Bandera

Pen Medina tuloy na ang spine surgery, pamilya nagpasalamat sa lahat ng nag-abot ng tulong pinansiyal

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 07:59 AM

Pen Medina

TODO-TODO ang pasasalamat ng mga anak ng beteranong aktor na si Pen Medina sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong para sa operasyon ng kanilang ama.

Naka-schedule na ang spine surgery ng veteran actor matapos ma-diagnose ng rare health condition na Degenerative Disc Disease (DDD).

Ayon sa anak ni Pen na si Alex Medina, matutustusan na nila ang kakulangan sa gagastusin nila para sa operasyon ng aktor nang dahil sa natanggap nilang tulong mula sa mga taong may malalaking puso.

Matatandaang nanawagan ng tulong pinansyal at dasal si Alex at ang iba pa niyang kapatid para sa pagpapagamot ng kanilang tatay.

Ayon sa Facebook post ng kapatid ni Alex na si Japs Medina, nakapagpa-reschedule na ng spine surgery ang veteran actor kasabay ng abot-langit na pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanilang pamilya.

Aniya pa, sisiguruhin nilang maglalaan ng sapat na panahon ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang ama para magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng financial assistance sa kanila.

“Pasensya na po sa mga kaibigan at mga tagahanga ni daddy na nag abot ng tulong at dasal para sa kanya na hindi ko pa narereplayan. Babalikan ko po lahat ng mga mensahe ninyo upang pasalamatan kayo sa taos-pusong pagtulong ninyo sa aming pamilya.

“We will also be refraining from doing any more interviews so that we, as a family, can focus on dad’s impending surgery (which has been rescheduled) and recovery.

“Our family is very grateful for your generosity and warm hearted kindness towards my father. May God bless you all!” ang buong mensahe ng anak ni Pen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pen Medina (@penmedina)


Ni-repost naman ito ni Alex sa kanyang FB account at muling  nag-thank you, “Maraming salamat po sa mga tumulong. Overwhelmed pa kami sa suporta. Nakakatuwa. Kilala ko lahat kayo tumulong at words aren’t enough para i-express how grateful we are,” sabi ng aktor.

Kamakailan, sinabi ni Japs na mukhang matatagalan pa bago makapagtrabaho uli ang ama pero, “Lagi niyang sinasabi is that he really wants to go back into painting, kasi ‘yun talaga ‘yung first love niya.

“He’s been asking us to help him him mount an exhibit and he’s very talented,” dagdag niya.

Mahigit tatlong linggo na si Pen sa ospital dahil sa Degenerative Disc Disease, “a condition which causes pain in the spine.”

“Apparently, he twisted his back (sa loob ng banyo), he hasn’t been able to get up from the couch ever since the night.

“Luma na talaga ‘yung buto niya, wala nang fluid, so the pain was coming from pagka nagtatamaan ‘yung discs niya sa spine.

“And then eventually we also saw there was a pinched nerve there and that’s why it was getting worse,” sabi pa ni Japs.

https://bandera.inquirer.net/319044/pamilya-ni-pen-medina-dedma-sa-bashers-na-nang-okray-sa-paghingi-nila-ng-tulong-pinansiyal-ipinagtanggol-ng-netizens

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/318824/pen-medina-sasailalim-sa-surgery-pamilya-humingi-ng-tulong-para-sa-pagpapagamot-ng-aktor
https://bandera.inquirer.net/291752/pen-medina-binanatan-matapos-sabihing-hindi-epektib-ang-face-mask-kontra-covid-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending