Troy Montero nakatanggap ng mga indecent proposal mula sa babae at beki; aktor ‘pumapatol’ kapalit ng bagong kotse

Troy Montero nakatanggap ng mga indecent proposal mula sa babae at beki; aktor 'pumapatol' kapalit ang bagong kotse

Aubrey Miles at Troy Montero

DIRETSAHANG inamin ng actor-model na si Troy Montero na marami siyang natatanggap na “indecent proposals” noong kabataan niya.

At hindi lang daw ito mula sa mga gay personalities kundi maging sa mga mayayamang babae rin na gustung-gustong maka-score sa kanya.

Isa lang yan sa mga naging rebelasyon ng husband ni Aubrey Miles nang mag-guest sa weekly talk show ng GMA 7 na “Sarap Di Ba?” hosted by Carmina Villarroel with her twins Mavy at Cassy Legaspi.


Sa “Trip To The Hotseat” segment ng naturang programa na umere last Saturday, June 3, game na game na sumalang si Troy sa hotseat para sagutin ang maiintrigang tanong ni Carmina.

“May natanggap ka bang indecent proposals noon?” ang isa sa mga ibinatong question ni Carmina kay Troy.

“Meron,” ang walang pag-aalinlangang sagot ng aktor at negosyante.

Sundot na tanong ni Mina, “More than once nangyari?” Tugon ng celebrity dad, hindi lamang isang beses siyang nakatanggap ng indecent proposals.

“Yes, babae and lalaki. ‘Yung isang proposal na sa babae, if I would donate for… ‘yung bata? Gets mo?” sey ni Troy.

“Okay gets, sperm,” hirit namang sey ni Carmina.

Baka Bet Mo: Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi

Ang follow-up question ni Carmina kay Troy, “Tapos ‘yung isang gay? Gusto niya maging together kayo, may relationship kayo or gusto niya ng hanky-panky?”

“I don’t know pero I think hanky-panky,” sagot ng asawa ni Aubrey na hunk na hunk pa rin kahit nadagdagan na ng edad.


Naibahagi rin ni Troy ang tungkol sa isang chika noong active pa siya sa showbiz. Ito yung tsismis na may tinanggap daw siyang indecent proposal mula sa isang personalidad na hindi na niya pinangalanan.

“I think ‘yung tsismis na before… it wasn’t me. It was another actor,” rebelasyon ng celebrity model.

Sundot na tanong si Carmina, “Pero wait lang, paano mo nalaman na ‘yung isang aktor ‘yun?”

“It involved a car… ‘yung payment, ano, bagong kotse,” sagot ni Troy.

Sumingit naman ang wifey ng aktor na si Aubrey hinggil sa mga naging pahayag niya tungkol sa isyu ng indecent proposal, “Alam ko na meron pero hindi ko na tinanong.

Matatandaang ikinasal sina Troy at Aubrey noong June 9, 2022. Ito’y makalipas ang mahigit 18 years nilang pagsasama bilang live-in partners.

Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Hunter Cody at Rocket. Bukod dito, may isa pang anak si Aubrey, si John Maurie, na anak niya sa dating partner na si JP Obligacion.

Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Read more...