‘It’s Showtime’ apektado sa paglipat nina Tito, Vic & Joey sa TV5, hirit ng netizens: ‘Baka sila naman ang makarma!?’
By: Alex Brosas
- 1 year ago
It’s Showtime hosts
BUMUHOS ang suporta sa “It’s Showtime” matapos na lumabas sa Kapamilya Online Updates ang chikang hindi na mapapanood ang show hosted by Vice Ganda sa noontime slot nito.
Mapapanood na lang sila sa delayed telecast dahil may ilalagay na show ang TV-5.
“Sa susunod na buwan ay hindi nyo na matutunghayan ang It’s showtime sa TV5 tuwing tanghalian. Magkakaroon na lamang ng delayed telecast sa hapon.
“Samantala patuloy natin makakasama ang It’s showtime family tuwing tanghali sa A2z, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at Iwanttfc. Anong say nyo madlang pipol? (Next month you will no longer see It’s Showtime on TV 5 every noontime.
“It will have a delayed telecast in the afternoon. Meanwhile, we will be seeing It’s Showtime family every noontime at A2Z, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel and IWantTFC. What can you say, friends?).”
Iyan ang naka-post sa Facebook page na Kapamilya Online Updates.
Ang daming loyal viewers ng “It’s Showtime” ang naimbiyerna sa nasabing post.
Ang tingin nila, ang “Dabarkads” show ang ipapalit ng TV5 sa “It’s Showtime.” Ito ‘yung show na pagbibidahan nina Tito, Vic and Joey.
Sa comment section, todo-tanggol ang loyal fans ng “It’s Showtime”.
“Parang Hindi Naman maganda Yung parang pinatalsik Ang Isang show para lang palitan ng iba. Maganda kaya to say pakiramdam ng tvj. Baka Sila Naman makarma.”
“Ok lang Mas Madami Parin gusto manuod ng Showtime. Tingnan nalang nila kung Mas aangat ba ratings nila kung Eat bulaga ang Ipapalit nila, At Bihira lang din kami manuod sa Tv5. Sa A2Z, Youtube nlng Pero Pinapanuod namin is Kapamilya Shows kaya kahit saan ipalabas ang Kapamilya Shows, Doon kami Manunuod. Forever Kapamilya.”
“Ayos lang di naman kawalann kahit mawala ang tv 5 kasi kapamilya chanel naman talaga kmi kapamilya for ever.”
“No problem… Halos lahat Naman naka cable TV na… Kunti lang Naman Ang free TV sa Ngayon , digital is now the trend.”
“Di ko talaga ma gets why Showtime needs TV5 eh sa totoo lang buhat-buhat ng Showtime ang TV5. Even without those other network makakaangat at makakangat ang Showtime. Let them do their things and kayo Showtime fam, di nyo na need mageffort kasi kuhang-kuha nyo na yung mga viewers.”
“Dami ng pinagdaanan ng show nato from upside down..naging option narin pero nananatliling matatag..we love you showtime.”
“Ok lang sa A2Z nmn ako nanonood ng Showtime at khit saan pa sila mapunta papanoorin ko pa rin sila. SOLIDSHOWTIMER.”
“Okay lang Kapamilya Channel naman ako nanonood. #ItsShowtime.”