Rebelasyon ni Leandro Baldemor: ‘Ayaw kong magpakaipokrito, kailangan ko ng showbiz dahil…’

Rebelasyon ni Leandro Baldemor: 'Ayaw kong magpakaipokrito, kailangan ko ng showbiz dahil...'

Leandro Baldemor

NAGSIMULA na kaming mag-ipon para mabili ang isa sa mga obra ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor, na isa nang sikat na sculptor at painter ngayon.

Grabe! As in grabe pala talaga ang galing at talento ni Leandro pagdating sa paglililok at pagpinta na kilalang-kilala na ngayon sa paggawa ng iba’t ibang religious figures.

Hindi lang sa Laguna sikat ang mga obra ng aktor kundi pati na rin sa iba pang bahagi ng Pilipinas na talaga namang pang-worldclass ang kalidad.

Personal naming nabisita sa Paete, Laguna ang kanyang Obras de Paete gallery kung saan naka-display ang ilan sa kanyang sculpture na karamihan ay mga rebulto ng mga santo, kabilang na ang iba-ibang klase ng estatwa nina Padre Pio, Virgin Mary at Jesus Christ.


May isa kaming nagustuhan doon na talagang nakaagaw ng aming atensyon, kaya sabi namin kay Leandro, talagang pag-iipunan namin yun para sa pagbabalik ko roon ay maiuuwi ko na siya.

Pero knows n’yo ba na never niyang na-imagine na magiging trabaho niya ito noong bata pa siya?

“Oo, kasi ayoko ng kahoy noon. Actually kasi simula bata ako, yun na ang hanapbuhay namin – amoy ng kahoy, amoy ng barnis, amoy ng pang-ukit, yun na yon, eh.

“Nandu’n na yun, nakatatak na kaya nga sabi ko nga kay Lord ‘ayoko na’ kasi ang dami kong hanapbuhay na sinubukan.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!

“Nag-tilapia ako, nag-manok, chicharon, restaurant, lahat sinubukan ko, computer shop, bar, hindi ako nag-click. Kaya sabi ko ‘Lord, please help me.’


“Yun, nagsimula ako sa isang ulo (ukit ng kahoy),” kuwento pa ng aktor na active pa rin naman hanggang ngayon sa pag-arte. Huli siyang napanood sa “Lolong” ng GMA kung saan nakatambal pa niya ang dating ka-loveteam na si Abby Viduya (Priscilla Almeda).

Pagpapatuloy pa ni Leandro, “Nag-start ako 15 or 16 years ago so artista na ako nu’n, 25 o 26 years na ako sa showbiz. Nagpamilya ako nu’n, medyo sabi ko ‘hindi tayo puwedeng ganito-ganito lang ang kikitain natin.

“Kasi pupunta ka ng Japan, three months, six months, uuwi ka rito ubos-ubos ang pera, balik ka na naman so walang nangyayari, so kailangan talaga hanapbuhay,” pagbabahagi ng aktor.

Aminado naman siya na kahit matagumpay na ang kanyang negosyo  bilang visual artist, hindi pa rin niya tuluyang tinatalikuran ang showbiz.

“Hinahanap ko nu’ng una, ayaw ko magpakaipokrito, kailangan ko ng showbiz dahil sa… iba na kasi ngayon ang kliyente. Ang kliyente ngayon hindi na pupuntahan ang shop mo most of the time, kung ‘di ka nila makikita.

“Pag siyempre artista ka, nakilala ‘yung page mo, kaya yung page ko 30K followers na yan, ‘yung Paete Handicraft by Leandro Baldemor.

“Kapag kasi artista ka, tatawagan ka sa telepono, ‘di ba ikaw si Leandro’ papakilala ka na para break agad yung ice, tiwala, ok na agad so malaking bagay ‘yung active ka sa showbiz  kasi alam nilang may hahabulin sila,” sey pa ni Leandro.

Sa ngayon, hinihintay na lang niya ang tawag ng isang network para sa dalawang teleseryeng gagawin niya  pero bawal pa raw banggitin kung anu-ano ito at sino ang mga bida.

Dating sexy actor na si Leandro Baldemor feeling ‘yummy’ dahil pinag-aagawan ng 2 leading lady

Leandro Baldemor kinarir ang paglililok sa Voltes V figure, mahigit 2 buwan tinapos; ilang obra may taglay na ‘magic’

Read more...