Angel Aquino, Iya Villania, Chesca Garcia sobrang na-miss ang isa’t isa, muling nagkita-kita makalipas ang 1 dekada

Angel Aquino, Iya Villania, Chesca Garcia sobrang na-miss ang isa't isa, muling nagkita-kita makalipas ang 1 dekada

Angel Aquino, Chesca Garcia at Iya Villania

NA-MISS nang bonggang-bongga ng magkakaibigang Chesca Garcia, Angel Aquino at Iya Villania ang isa’t isa matapos hindi magkita nang mahigit isang dekada.

Muling nabigyan ng pagkakataon ang tatlong celebrities, na nagkasama-sama noon sa isang lifestyle magazine show, na magkita-kita makalipas ang 10 taon.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Chesca ng mga bago at lumang litrato niya kasama sina Iya at Angel, kabilang na riyan ang mga photo nila sa pictorial ng programang “US Girls”.


In fairness, kahit na 10 taon na ang lumulipas ay super friends pa rin ang tatlong celebrity mommy na napanatili nga ang kanilang solid at tunay na pagkakaibigan.

“After 10 long years we finally got the chance to get together again. Ten long years but everything is just like how we left it. Nothing has changed!

“Still a whole lot of fuunnn! How I miss and love this group of people! A reunion to remember and a reunion worth repeating, especially for all those who didn’t make it.

Baka Bet Mo: Cassy, JD nahuli sa akto sa set ng ‘First Yaya’; pangarap ni Bea tinupad ni Jessica

“Thank you @mjfelipe for getting us all together again!” ang bahagi ng caption ni Cheska sa kanyang IG post.

“Love you @iyavillania and @imangelaquino! So happy we got to catch up! But still super bitin! See you soonest! This is where we learn it, live it, love it, US GIRLS!!!” dagdag pa niya.


Nag-post din si Angel sa kanyang IG page ng ilang litrato kasama sina Cheska at Iya na may caption na, “It’s been 10 years since we signed off and everyone was so thrilled to see one another!

“The night overflowed with kwentuhan, tawanan, asaran, kulitan that we barely even ate. There was so much love, respect and support.

“I’m hoping to have more of these. I missed you @chekakramer I missed you @iyavillania, i missed everybody! See you more please,” paglalahad ni Angel.

Alfred Vargas na-miss ang yumaong ina nang makaeksena si Ate Guy: ‘Naramdaman ko talaga yung ‘Nora Aunor Magic’

Kim Chiu nakipag-bonding kina Bela at Angelica, ‘feeling lucky’ sa mga kaibigan

Read more...