Christian Bables never nakipagbardagulan sa bashers, pero apektado ba ang lovelife kapag natsitsismis na bading?
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Christian Bables
IN FAIRNESS sa Kapamilya actor na si Christian Bables, mula noon hanggang ngayon ay consistent pa rin ang kanyang pagiging “chilax” (chill at relax lang).
Hindi siya yung tipo ng artista na nakikipagbardagulan at nakikipagtalakan sa mga bastos at pakialamerang bashers at haters.
Kahit na nga medyo below the belt na ang mga tira at banat sa kanya ng mga netizens sa social media ay hindi pa rin niya pinapatulan.
For example, hanggang ngayon ay patuloy ang mga chika about his true gender and sexual preference. Kahit ilang beses na niyang sinabi na lalaki siya ay marami pa rin ang kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.
Lalo na ngayon na tumanggap uli siya ng gay role sa iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kasama sina Andrea Brillantes at JC Alcantara with Ice Seguerra and Romnick Sarmenta.
Pero sey ni Christian, hindi siya titigil na gumanap na beki sa TV at pelikula kahit na nagiging sanhi ito ng mga isyu tungkol sa kanyang pagkalalaki.
“Never will I have any hesitations portraying these kinds of characters for as long as yung ino-offer sa akin are living, breathing, full of life characters, tatanggapin at tatanggapin ko yun.
“Yung kagaya ng mga netizen na nag-bash noon, for me ang attack ko du’n, you don’t attack them with hate, you educate the person na nagsabi,” ang pahayag ni Christian sa panayam ng Push.
Aniya pa, hindi rin daw naaapektuhan ang pakikipag-date o panliligaw niya sa mga babae ng pagganap niyang bading o transwoman sa kanyang mga acting projects.
“Hindi naman. Sa awa ni God. Ha-hahahaha! Ako kasi I ask a person for a date kapag meron na kaming kahit papanong napagsamahan. Hindi ako ‘yung tipo ng kaka-meet ko lang yun and then I’ll ask her for a date.
“Hindi. More on deep connections ako eh. Kapag mas nakilala ko na ‘yung tao, kapag nakita ko na ‘yung kung paano siya bilang tao. That’s when I get attracted to the person,” sabi pa ng binata sa nasabing interview.
Gaganap na kontrabidang drag queen ang aktor sa “Drag You & Me” bilang si Bubbles Lacroix. Aniya, kailangang aralin niya nang bonggang-bongga ang pagkokontrabida dahil malayung-malayo ito sa tunay niyang personalidad.
“Sweet akong tao. Alam ng mga nakapaligid ‘yan sa akin. Siyempre meron tayong persona kapag nagagalit, kapag naiinis.
“Siguro ‘yun ‘yung hinugot ko tapos pinalaki ko na lang siya, minagnify ko na lang siya kung paano,” sabi ni Christian.
Sa huli, nahingan si Christian ng mensahe para sa mga aktor na nagdadalawang-isip at natatakot tumanggap ng LGBTQ roles, tulad ng karakter niya sa “Drag You & Me”.
“Yung pagiging scared, ‘yung fear of being judged…kasi ikaw mismo, dyina-judge mo na agad yung character. Dyina-judge mo siya base sa mata nung society na tumitingin.
“So, do not do that. I think ‘yun ang key for an effective protrayal ng kahit anong character. You don’t judge the character. Mas piliin mong umunawa kaysa sa humusga,” paalala pa ni Christian.