Kris nag-shopping para sa 28th birthday ni Joshua; mahigit 1 taon pang magpapagamot sa US dahil sa 5 autoimmune disease

Kris nag-shopping para sa 28th birthday ni Joshua; mahigit 1 taon pang magpapagamot sa US dahil sa 5 autoimmune disease

Kris Aquino, Joshua at Bimby Aquino

SIGURADONG magkahalong kaligayahan at lungkot ang nararamdaman ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino kaugnay ng selebrasyon ng 28th birthday ng kanyang anak na si Joshua.

Ramdam na ramdam namin ang emosyon ng award-winning TV host-actress sa ibinahagi niyang birthday greeting para kay Josh sa pamamagitan ng Instagram.

Kalakip ang litrato ni Joshua, nagbigay ng mensahe si Kris sa panganay na anak kung saan sinabi nga nito na sobrang nami-miss na niya ang binata dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita at nagkakasama.

Nasa Pilipinas si Joshua kasama ang ilan sa kanilang mga kapamilya habang nananatili si Kris sa Amerika para sa tuluy-tuloy niyang pagpapagamot dahil sa kanyang mga autoimmune disease.

“Kuya, I miss you and i love you so much… you’re where you want to be, surrounded by so many who love & care for you,” simulang pagbabahagi ni Kris.


“Yesterday was only the 4th time in 1 year of being in the (American flag) that mama went to a mall because i wanted to be the one to choose your new clothes. I’m so proud of you!

Baka Bet Mo: Charo gusto pang makagawa ng maraming pelikula at teleserye; ‘MMK’ mapapanood na sa 41 bansa sa Africa

“Because of your discipline, jogging & swimming everyday, you’ve already lost more than 20 pounds,” pahayag pa ng TV host-actress.

Gustung-gusto raw ni Kris na personal na maibigay sa anak ang mga binili at inihanda niyang regalo pero baka matagalan pa bago siya makauwi ng Pilipinas.


Pagpapatuloy ni Tetay, “Some people who love & miss you from here + 1 super special person will arrive in a few days to personally bring home all your gifts.

“Kuya, I wish i could join them, but mama needs a year & a half minimum of treatment because my latest blood panel confirmed i have 5 autoimmune conditions.

“Mama will need to semi-isolate in 3 weeks because my immunity already went down. You promised me you’ll spend Christmas up to my birthday here. Please keep praying for all of us?

“Happy Birthday to our super guapo Kuya, i love you so much & yes i’m taking care of myself (that’s how he ends all his messages by telling me he loves me so much & to ‘take care of yourself, mama’),” mensahe pa ni Kris kay Joshua.

Sharon muling pinatunayan ang pagiging ‘nanay’ sa 28th birthday ni Julia: ‘Hindi maghihiwalay habangbuhay!’

Michelle Dee isinugod sa ospital sa kanyang 28th birthday, inoperahan dahil sa ‘hemorrhage’

Read more...