Joey de Leon may paramdam na sa lilipatang TV network: ‘TAKE FIVE!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon
MUKHANG kasadung-kasado na nga ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5 para ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at papremyo mula Batanes hanggang Jolo.
Nauna na naming ibinalita rito na “done deal” na ang gagawing programa ng iconic trio na TVJ sa Kapatid Network matapos magpaalam at mag-resign sa TAPE, Inc., at sa “Eat Bulaga” kasama ang ilan pang Dabarkads last Wednesday, May 31.
Wala pang confirmation kung ano talaga ang magiging titulo ng bagong show nina Tito Sen, Bossing Vic at Boss Joey sakaling matuloy na ang pag-ober da bakod nila sa TV5.
Ayon sa ilan nating source, baka raw hindi rin magamit ng TVJ ang titulong “Dabarkads” dahil inaangkin din umano ito ng TAPE. Kaya naman may chika na baka talagang umabot na sa demandahan ang mga isyu ng “Eat Bulaga.”
Samantala, muling nag-post si Boss Joey sa Instagram kung saan tila nagpaparamdam na ito tungkol sa bago nilang tirahan tuwing tanghalian.
Kalakip ang litrato ng TVJ, ito ang rebelasyon ng veteran comedian, “Sabi ko noon, we are not signing off, we are just taking a day-off. In other words, pahinga muna. In Engish, TAKE FIVE!”
Nauna rito, nagbigay din madamdaming mensahe ang tinaguriang Henyo Master para sa lahat ng Dabarkads sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersya ng “Eat Bulaga.”
“LAHAT TAYO’Y ANGHEL NA IISA LANG ANG PAKPAK, TAYO LA’Y MAKAKALIPAD KUNG MAGKAKAYAKAP. Sa aking mga Dabarkads, MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT!” pahayag ni Boss Joey.
Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa IG post ni Joey.
“Almost 44 years din na puro work and shows. A much deserved break nga naman para iwas stress.”
“Ay Sana magkaron ng full episode paden sa YouTube kung TV5 sila kase hindi nagpapalabas ng full episode ang TV5 abroad at hindi pa ata sila nag offer ng channel abroadI hope I can watch you here in SF, USA, life has gotten boring without Dabarkads.”
“MVP (Manny V Pangilinan, may-ari ng TV5) is a longtime fan. Would even cancel meetings just to watch EB.”
“Kahit saan pa kayo mapunta, kahit sa buwan pa, lagi kaming nakasubaybay sa inyo.. dabarkads since 1979.”
“The irony na wala kayo on air before the beginning of Philippine Heritage Month. I was discussing this the next day with my fellow filipino co-workers. Naiyak din sila.”
“Waaaahhh… Kinilabutan ako! Mapapanood na ulit nmin kayo. Go TV5.”
“DABARKADS IS COMING TAKE FIVE means ipat Channel 5.”
“Basta kahit saan kayo mapadpad dun din kami mapapadpadmagkakatotoo n yung kasinungalingan ng TAPE na nalulugi cla. malulugi cla gang end of 2024 pagtapos ng kontrata nila sa Channel 7. tapos ang masakit nun hindi n din cla irerenew ng Ch7. Kung sana pinaubaya na lang nila sa iba ang pamamahala lalo n wala nmn cla alam s pag manage eh di sana kubra kubra lng cla ng profit monthly, tsk tsk tsk.”
“As a fan and solid Dabarkads, hangang hanga po ako sa ginawa nla JoWaPao, menggay, Allan K, Ryan and ryzza na d pumayag magpaiwan nung nagpaalam kayong TVJ sa TAPE at sa EB. KAKAIYAK PERO SEE YOU SOON, kung saan man kayo dalhin ng Tadhana.. loyalty Ang nangibabaw sa mga totoong dabarkads host. Kahit inofferan na mag stay, Hindi nagpadaig sa pera at kapangyarihan ng kalaban, kundi sumunod talaga sa inyo. That’s UTANG NA LOOB and PURE LOVE as a DABARKADS! SALUDO Mula Batanes hanggang Jolo, saan ka man ay halina kayo, isang libo’t isang tuwa… buong bansa…. EAT BULAGA forever.”