Matinding pagdurugo na naranasan ni Michelle Dee dahil daw sa polyps: ‘But thankfully, they were non-cancerous’

Matinding pagdurugo na naranasan ni Michelle Dee dahil daw sa polyps: 'But thankfully, they were non-cancerous'

Michelle Dee

MATINDING challenge ang naranasan ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee bago pa siya nagtagumpay na makuha ang inaasam na titulo at korona.

Nagdetalye ang Kapuso actress at beauty queen nang isugod siya sa ospital noong mismong birthday niya at kinailangang sumailalim sa emergency surgery dahil sa “abnormal bleeding.”

Aniya, ito raw ang naging sign para maghinay-hinay sa kanyang mga ginagawa at mas bigyan ng atensyon ang kanyang kalusugan.

“I was hemorrhaging. I lost four liters of blood. I had to go through an emergency surgery. I was actually on the way to a Miss Universe shoot, actually, and then I just got rushed to the hospital. I was experiencing abnormal bleeding days prior,” ang simulang pagbabahagi ni Michelle sa Vogue Philippines.


Pagpapatuloy pa ng dalaga, “It was on my birthday, that I asked to take the medicine to stop the bleeding.

“I took it and unfortunately, it had an adverse effect on me. Instead of stopping it, it made me bleed even more,” dugtong pa niya.

Ang findings daw ng mga doktor sa isinagawang initial medical test sa kanya, “They saw that my uterine lining was full of polyps. They were all stress-induced but thankfully, they were non-cancerous.”

Baka Bet Mo: Anne Curtis, Kim Chiu inaming ‘nagmakaawa’ noon dahil sa pag-ibig: ‘Hindi mo iniisip kasi mahal mo’

Okay na raw siya ngayon kaya wala nang dapat ipag-alala ang kanyang mga kapamilya, mga kaibigan at tagasuporta.

Ang paniniwala ni Michelle, bumigay na ang katawan niya dahil sa pagod at stress dulot ng mga “struggles” na pinagdaanan nitong mga nagdaang buwan.


Kabilang na nga rito ang pag-aalaga at pag-aasikaso sa dalawa niyang “pamilya” nang masangkot sa magkahiwalay na aksidente ang kanyang divorced parents na sina Melanie Marquez at Derek Dee.

Sumabay pa rito ang mga trabaho niya sa GMA 7 at sa pagte-training niya para sa Miss Universe Philippines pageant.

“I was battling with this decision between this (pagsali muli sa Miss Universe Philippines) and a dream role (bilang aktres) and I was juggling to maintain three households at this time. Do I have the time for everything all at once?

“One day, I was like, ‘You know what, let’s do it. I’ll just keep doing everything at the same time until I drop dead, basically,'” pahayag pa ni Michelle na kamakailan lang ay inilantad na sa publiko ang pagiging bisexual.

Isa raw sa mga pangako niya sa sarili matapos ang pinagdaanang hamon sa kanyang kalusugan, “I’ll keep moving forward with self-care, pursuing my passions, and appreciating life’s precious moments.”

Neri Miranda 10 na ang negosyo: Naranasan kong maglako ng mga ulam, magtinda ng barbecue at nag-alaga rin ako ng baboy

Kitkat bilang padede mom: No tulog, no ligo, cracked, bleeding nipples…but will never trade this for anything else!

Read more...