Hirit kay Lolito Go matapos sabihing ‘mga Marites lang ang nag-eenjoy’ sa isyu nila ni Moira: ‘Sino ba ang unang bumira nang bumira!?’
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na isa-isang sinagot ng songwriter na si Lolito Go ang komento ng ina ni Moira dela Torre na si Gng. Racquel dela Torre.
Ayon sa pahabol na post ni Lolito sa kanyang Facebook account ay nagkausap na sila ng magulang ni Moira at maraming bagay ang nalinawan at napagdesisyunang mag-usap-usap na lamanng sila ng pribado.
Sabi ni Go, “Right after writing this, I had a heartfelt, tearful talk with Tita Raquel and Tito John. Maraming bagay ang nalinaw. Lumuwag ang mga puso namin.
View this post on Instagram
“Sana magpatuloy na lang ‘yung ganitong peace. Nasabi ko na rin sa kanila ang mga bagay na hindi ko mabanggit sa social media. Moira’s parents are indeed people of God. God was in the middle of us during the talk.
“Uulitin ko ang sinabi ko sa original post at paninindigan ko ito, we sometimes need dissonance to achieve harmony. We sometimes have to wage war to achieve peace.
“I needed to call out what needs to be called out. Sana matapos na ito dahil mga marites lang naman ang nage-eenjoy. We will settle things privately. At alam kong makakamove-on din tayong lahat,” aniya.
Naaliw naman kami sa sinabi ni Lolito Go na “sana’y matapos na ito dahil mga Marites lang naman ang nage-enjoy.”
Baka Bet Mo: Lolito Go nakipag-usap na sa mga magulang ni Moira: ‘Maraming bagay ang nalinaw, lumuwag ang mga puso namin…’
In the first place sino ba ang nagsimula ng gulong ito sa social media? Sino ba ang bumira nang bumira kay Moira para ipagtanggol “kuno” ang kaibigang si Jason Marvin Hernandez dahil kaliwa’t kanan na raw ang pagbira rito at kesyo apektado na ang pamilya nito?
Samantalang si Jason ay wala namang kibo at hindi nakisawsaw sa gulong nilikha ni Lolito Go.
Na ang ending ay si Lolito pala ang may sama ng loob kay Moira dahil sa mga bagay na naging transaksyon nila noon pagdating sa pagsusulat ng kanta at sinabing may pa ghostwriter pa ang premyadong mang-aawit.
View this post on Instagram
Bukod dito ay isiniwalat pa ng dating kaibigan ni Moira ang tungkol sa mental health condition ng huli. Alam pala niyang may pinagdaraanan ang asawa ng kaibigan niya na rati rin niyang kaibigan ay bakit kung anu-ano pa ang pinagpo-post niya?
At nang malamang idedemanda si Go ay nagsabi pang hindi siya natitinag at handa niyang harapin ang labang ito.
Tapos sasabihin ni Lolito Go na sana matapos na ang lahat dahil mga Marites lang ang nag-e-enjoy? Hindi kaya siya ang Marites dahil inilabas niya sa social media ang mga bagay na hindi dapat ilabas?
Sana nga ay mapanindigan ni Lolito Go ang sinabi niyang mag-usap na lang sila in private ng mga magulang ni Moira para tapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.