Paglipat ni WILLIE sa ibang network ikagugulat n’yo!
Lunes nang tanghali ay napakarami naming tinanggap na text messages mula sa aming mga kaibigan at tagapakinig sa radyo. Isa lang ang takbo ng kanilang mensahe, naaalala nila si Willie Revillame, unang araw kasi ‘yun na wala nang Wowowillie.
“Cobra” ni Sylvester Stallone ang palabas, Tagalized ‘yun, maganda ang pelikula pero siyempre, para sa mga tagasuporta ni Willie, mas maganda pa rin at nakakaaliw ang Wowowillie.
Sabi ni Bhoyzee Caragay, isang regular listener namin mula sa Nuvali, “Iba na ang tanghali, hindi na katulad nang dati, wala na kasi si Willie. Nakakalungkot lang dahil nakasanayan ko na siyang tutukan tuwing lunch time.
“Nakakatawa kasi ang show ni Wil, tatawa ka lang nang tatawa, kung minsan naman, e, mapapaiyak ka, dahil talaga namang nakakaiyak ang mga kuwento ng mga contestants niya,” pag-alala pa ni Bhoyzee Caragay.
Matatagalan pa bago makalimutan ng mga kababayan natin ang pagkawala ng Wowowillie, nakasanayan na kasi nilang tumutok sa programa ng kanilang idolong si Willie, umaasa pa rin sila na isang araw ay mapanood na uli ang aktor-TV host na tumutulong sa mga kababayan nating kapuspalad.
Pero hindi lang ang mga kababayan natin ang nalulungkot, sa mga panahong ito ay siguradong dinadalaw rin ng melangkolya si Willie dahil nasanay na siyang makasama sa pananghalian ang ating mga kababayan, hindi siya nakahanda sa pagkawala ng kanyang show.
Pero ngayon ay meron na siyang panahong alagaan ang kanyang katawan, ang personal na pamahalaan ang kanyang mga negosyo, anumang bagay na nawawala sa atin ay siguradong merong kapalit.
Kung kailan uli natin mapapanood si Willie Revillame ay pakiabangan na lang po natin. At kung saang istasyon ay isang malaking sorpresa para sa kanyang mga tagasuporta.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.