Loisa Andalio na-bad trip sa ‘pagkabangko’ ni Ronnie Alonte sa 2023 Star Magic All-Star Games: ‘You deserve to be respected’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Loisa Andalio at Ronnie Alonte
MAGKAKAIBA ang naging reaksyon ng netizens sa matapang na social media post ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio para ipagtanggol ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte.
Na-bad trip kasi si Loisa sa naganap na Star Magic All-Star Games kamakailan kung saan naglaro ng basketball si Ronnie para sa Team Star Magic kasama sina Daniel Padilla, Donny Pangilinan at marami pang iba.
Naglabas ng kanyang pagkadismaya si Loisa sa pamamagitan ng Instagram dahil nga parang binalewala ng kanyang team ang kakayahan niya bilang basketball player.
Pinaniniwalaang nabangko ang aktor sa naganap na basketball game tulad din ng reklamo ng mga nakapanood sa nabanggit na laro. Ganyan din ang feeling ni Loisa kaya naman hindi na siya nakapagpigil na ilabas ang sama ng loob.
Ibinahagi ng Kapamilya actress ang ilang litrato at video clips ng paglalaro ni Ronnie sa Star Magic All-Star Games kalakip ang matapang niyang mensahe.
“It’s time to walk away when you’re not appreciated for who you are. You deserve to be respected,” ang pahayag ni Loisa sa kanyang IG post last May 27. Nilagyan pa niya ito ng hashtag na “#WhenAStarLosesItsMagic.”
Narito naman ang mga reaksiyon ng mga netizens sa pasabog ni Loisa.
“Favoritism kasi umiiral, di dapat basketball yung game, fanservice dapat tawag, kung sino ung napagperahan na fans yun priority nilang artist, kaya mas nasisira ang ABS dahil sA kultura nilang favoritism.”
“Nababangko din po ako sa basketball pero never ko naisip na hindi ako naappriciate or hindi nirespeto bagkos mas naisip ko na mas kailangan ko pa pagbutihan. Kung sa NBA nga mga top pick at mga player na may napatunayan na nababangko pa ee. Career na nila yung liga na yun ito kasiyahan lang. Wag ho tayo sa badside ng sitwasyon lagi tumingin. God bless.”
“This is why I support Loisa. Real sentiments that non-celebrities like me can relate.”
“Magaling naman si Ronnie eh. Lodi ‘yan pero wag n’yo naman personalin game po ‘yan. Marami pa siya iba pwede patunayan sa talentong meron siya.”
“Sports lang wag kaung umarte na parang aping-api.”
“Agree ako diyan bakit kasi yung isa ang pinasok eh lamya naman wala naman naambag panay porma.”
“Next time tigilan n’yo na ‘yang fan cam na ‘yan, para hindi masayang ang game. Imbis na ipasok ang magaling na player, hindi na lang kasi kailangan may fan cam.
“Yes kaya need nilang ipasok ang mga sikat, para sa fan cam!”
“Ang weird na binangko si Ronnie!”
“Bakit hindi ninyo pinasok si Ronnie? Trending tuloy.”
“It should have been Ronnie over Donny.”
“Nasayang ang chemistry sa court nina Daniel at Ronnie!”
“Tiniis ko ‘yang mahal na tiket at pagbiyahe ng Laguna kahit gabi na matatapos. Pero bakit binangko lang si Ronnie? Siya ang pinunta ko.”