MUKHANG tuluyan na ngang nagtagumpay si Rendon Labador na makuha ang atensyon ng mga celebrities at isa na nga si Giselle Sanchez sa nag-react sa kanyang mga patutsada.
Sa isang Facebook post ay may pa-shoutout ang actress-comedienne hinggil sa mga isyu na kinasasangkutan ngayon ni Rendon.
Pagbabahagi ni Giselle, dapat raw ay humingi na ng tawad si Rendon sa mga taong nasabihan niya ng masasakit na salita.
“It takes a real man to own up to his mistakes. I know you can do it Rendon Labador , people follow you because you motivate them, show them that you also have a humble and genuine heart.
“Nobody’s perfect. #motivate not destroy. Promote positivity and not strife. Michael V. Will appreciate your apology, so will Mr. Coco Martin,” saad ni Giselle.
Agad namang nagkomento ang motivational speaker sa naturang post ng komedyana.
Baka Bet Mo: Janno Gibbs nag-walkout matapos mapikon sa mga joke ni Giselle Sanchez sa presscon?
“Gusto mong maintindihan kung paano mag isip si Rendon Labador? Ms Giselle Sanchez usap tayo!” sey nito.
Mukhang wala talagang balak si Rendon na tumigil sa diumano’y “pamumulis” niya sa mga artista.
Matatandaang lately ay naging matunog ang pangalan ng motivational speaker matapos nitong pasaringan si Coco Martin ukol sa taping ng “FPJ’s Batabg Quiapo”. Sununod ay ang pagpansin nito sa statement ni Michael V. patungkol sa content creators at sinabihan itong laos. Hanggang i-call out rin niya si Slater Young dahol sa pahayag nito ukol sa kababaihan. Ang recent naman na kabardagulan nito ay si Ben Tulfo.
Related Chika:
Giselle Sanchez nag-explain kung bakit tinanggap ang ‘controversial role’ sa ‘Maid in Malacañang’