Trina Legaspi aminadong praning na mommy: 'Very hands on kaming mag-asawa as parents kasi wala kaming yaya' | Bandera

Trina Legaspi aminadong praning na mommy: ‘Very hands on kaming mag-asawa as parents kasi wala kaming yaya’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Trina Legaspi aminadong praning na mommy: ‘Very hands on kaming mag-asawa as parents kasi wala kaming yaya’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 09:49 AM

Trina Legaspi aminadong praning na mommy: 'Very hands on kaming mag-asawa as parents kasi wala kaming yaya'

Ryan Jarina, Trina Legaspi at Baby Kaela

WALANG yaya ang mag-asawang Trina “Hopia” Legaspi at Ryan Jarina kaya talagang sila mismo ang nakatutok sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak.

Aminado rin ang dating Kapamilya child star na isa talagang “napapraning” siya kapag ang anak na niyang si Kaela ang pinag-uusapan na dalawang buwan na ngayon.

Bilang first time mom maraming natututunan si Trina sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang anak at asawa. Alam niyang hindi madali ang pagkakaroon ng sariling pamilya pero ine-enjoy daw niya ang bawat sandali ng pagiging ina at asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)


Sa isang episode ng “Bawal Judgmental” sa “Eat Bulaga” kung saan isa siya sa naging celebrity choices, nagbahagi ang aktres ng ilang kaganapan sa kanyang buhay bilang nanay.

“Na-underestimate ko talaga. Iba yung puyat nu’ng nagti-taping, sa puyat nang pagiging ina. Puyat is real! Talagang walang tulog. Pero napaka-fulfilling kasi ano rin ako breastfeeding,” pahayag ni Trina.

Baka Bet Mo: Trina Legaspi muling nagpakasal sa kanyang hubby: ‘Before Ryan’s grandparents passed away, they made a request…’

Nagpapasalamat ang aktres sa kanyang ina na all out din ang support sa kanya. Talagang inaalalayan at tinutulungan daw silang mag-asawa ng nanay niya sa pag-aalaga kay Baby Kaela.

Sa katunayan, ipinagluluto pa raw siya ng kanyang mommy ng mga pagkaing makatutulong para mas dumami pa ang kanyang gatas.

At sabi nga ni Trina, super hands-on sila ng kanyang mister kay Kaela dahil wala nga silang yaya sa bahay.

“Medyo praning kasi ako as a mom na baka…lahat kasi kahit lumalabas ako ang isip ko nasa baby ko. Gusto ko ako talaga, kaming dalawa talaga ang hands-on. Tsaka, sabi ko gusto ko i-cherish e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)


“Kasi, ibang season naman ‘to talaga and habang baby pa sila, gusto ko namnamin ‘yung every moment na magkasama kami, kahit maliit pa siya,” aniya pa.

Nagbigay din siya ng message sa kanyang anak, “Love na love ka namin ng daddy mo, and siyempre pinagpi-pray namin kay Lord na maging mabuti kang anak.

“Kami, talagang nakasuporta sa ‘yo, aalagaan ka namin, poprotektahan ka namin. Siyempre gusto naming matupad ang mga dreams mo, lahat ng desires mo sa heart. We love you so much,” sabi pa ni Trina.

Ex-Goin’ Bulilit star Trina Legaspi buntis na sa 1st baby: It’s not a prank anymore!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Trina Legaspi 1 week nang walang tulog mula nang isilang si Baby Kaela: ‘Parang nag-slow mo nu’ng narinig ko na ang iyak niya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending