Trina Legaspi inatake ng postpartum depression dahil sa pagiging padede mom: 'Akala ko nu'ng una wala akong masyadong milk...' | Bandera

Trina Legaspi inatake ng postpartum depression dahil sa pagiging padede mom: ‘Akala ko nu’ng una wala akong masyadong milk…’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 08:15 AM

Trina Legaspi inatake ng postpartum depression dahil sa pagiging padede mom: 'Akala ko nu'ng una wala akong masyadong milk...'

Trina Legaspi, Ryan Jarina at Baby Kaela

GINAGAWA lahat ng aktres at dating child star na si Trina Legaspi upang magkaroon ng sapat na supply ng breastmilk para sa kanyang panganay na anak.

Inamin ng first-time mom na talagang matindi ang kinakaharap niyang challenges ngayon sa pag-aalaga kay Baby Kaela, lalo na pagdating sa breastfeeding.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbigay ng update ang dating “Goin’ Bulilit” star tungkol sa first child nila ng asawang si  Ryan Jarina, at dito nga niya nabanggit ang kanyang breastfeeding journey.

Ayon kay Trina, nagkaroon siya ng postpartum depression dahil sa kakulangan ng supply ng breastmilk sa unang buwan ng pagpapadede kay Baby Kaela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)


“Sa loob ng isang buwan, I’ve experienced a whirlwind of emotions. Ilang beses ako umiyak. Akala ko nu’ng una wala akong masyadong milk (I’ve experienced postpartum dahil doon),” panimulang pagbabahagi ni Trina.

Patuloy pa niya, “Pero sobrang blessed ko dahil maraming tumutulong at nakakaintindi ng nararamdaman ko. I’m thankful for the endless support and reassurance from my family (daddy, mommy, ate @rrlegaspi913, ditse @kim_ls7 and kuya mark), my husband @ryan_jarina sa pag-iintindi sa akin, and my cousin ate @mang_ellaine sa pag-recommend ng mga dapat gawin! Sabi nga nila, it takes a village to raise a child.”

Sey ni Trina, kinakarir niya ang lahat ng paraan para ma-boost ang supply ng kanyang breast milk – mula sa pag-inok ng lactation drinks hanggang sa pagte-take ng herbal supplements at mga pagkain mas magbibigay ng energy sa mga tulad niyang padede mom.

“Yes, lahat ng pwedeng gawin ginawa ko, lots of patience and determination talaga!

“Happy si Ryan kasi nakakatipid kaya bumabawi siya in other ways, siya naman ang naghehele at nagpapatulog kay baby. Hehe!” sabi pa ng celebrity mommy.

Baka Bet Mo: Dimples Romana nakaranas ng matinding postpartum depression: ‘I wake up in the morning and feel sad right away’

At makalipas nga ang isang buwan after niyang manganak, masayang ibinalita ni  Trina na nagge-gain na ngayon ng timbang si Baby Kaela dahil sa tuluy-tuloy na pagpapadede.

Payo naman ni Trina sa lahat ng padede moms, at sa lahat ng mga nanay na dumaranas ng postpartum depression, magpakatatag at manalig lang para sa kanilang mga baby.

“Mahirap po talaga sa umpisa pero laban lang po tayo kay baby!” aniya.

Kamakailan lamang ay nagbahagi rin si Trina ng mga litrato ng anak nila ni Ryan sa socmed bilang pagdiriwang sa unang buwan nito. Ang inilalagay niya sa caption, “Happy 1st month to our Little Minnie, Kaela!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)


Pinusuan at ni-like naman ng sandamakmak na netizens ang mga cute photos ni Baby Kaela with her Minnie Mouse costume.

Dalawang beses ikinasal ang mag-asawang Trina at Ryan. Una noong November, 2021 at sumunod ay nitong nagdaang November, 2022 na ginanap sa Christ the King.

Ayon sa Instagram post ni Trina, “As we head into a year since we got married, I feel so blessed that we were able to celebrate our love a second time around.

“Before Ryan’s grandparents passed away, they made a request: that we marry in a Catholic church in Christ the King. We were so happy to fulfill their wishes and honor their memory. They may not be here physically, but their presence are deeply felt and missed.

“Thank you to everyone who attended and sent their wishes! Thank you also to everyone who made our second wedding possible! ️After our wedding, we did a Gender Reveal Reception! Yay!!” aniya pa.

Zeinab Harake inaatake ng postpartum depression: Iyak ako nang iyak, nai-stress ako…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella ibinandera ang pagiging hot mama sa socmed; Anne, Liza napa-wow!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending