Laureen Uy shookt nang biglang mag-propose si Miggy Cruz: ‘Oh, my God! Yes! I love you!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Laureen Uy at Miggy Cruz
ENGAGED na ang content creator at social media influencer na si Laureen Uy sa kanyang longtime partner na si Miggy Cruz.
Ngayong araw, May 21, ibinandera ni Laureen ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang litrato ng kanyang kamay suot ang engagement ring.
Ayon kay Laureen, wala raw talaga siyang idea na magpo-propose sa kanya ang boyfriend habang gumagawa sila ng bagong vlog together.
Base sa maikling video clip na ibinahagi ng YouTube vlogger sa kanyang IG page, naganap ang pagpo-proposal ni Miggy sa Joshua Tree National Park sa California.
Makikita sa naturang video na kinukulit si Laureen ng kanyang mga kaibigan na simulan na ang pagsu-shoot ng “Wes Anderson-inspired” clips nila ni Miggy para magamit sa kanilang future content.
Walang kamalay-malay si Laureen na bumubuwelo at tuma-timing lang ang kanyang boyfriend para sa pinaghandaang marriage proposal.
At nang makarating na nga sila sa National Park bago mag-unset, biglang lumuhod si Miggy sa harap Laureen kasunod ang tanong na, “Will you marry me?”
Agad namang sumagot ang dalaga ng, “Oh, my God! Yes! I love you.”
Ang caption naman sa kanyang IG post kung saan ibinandera nga niya ang suot na engagement ring, “’Let’s shoot a Wes Anderson reel’ he said. Little did I know this was really the plan. AAAAAAAHHHHH!!! I said yes.”
Bumuhos naman ang pagbati sa engaged couple mula sa mga netizens at sa kanilang celebrity friends.
“LORD KNOWS IM SO HAPPY FOR YOU GUYS. I CRYYYY. Also so happy I no longer have to keep this secret. I love you guys so much my heart is going to explode,” ang komento ni Camille Co.
Mensahe ni Dani Barretto, “Naiyak naman ako!!!! Congratulations you guys!!!!”
Nag-congratulate rin kina Laureen at Miggy sina Maja Salvador, Kryz Uy, Andi Eigenmann at marami pang iba.
Noon pang 2017 magkarelasyon sina Laureen at Miggy at bukod sa pagiging content creator, magkasosyo rin sila sa ilang negosyo.