NAGLABAS ng abiso at babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa lahat ng automated teller machine (ATM) cardholders.
Ito ay kaugnay sa modus na tinatawag na “sangla-ATM.”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, isa itong scheme na kung saan ay kino-confiscate ang ATM cards mula sa mga taong may pinagkakautangan.
Babala ng BSP, bukod sa financial problems ay hindi rin mababantayan ng cardholders ang mga withdrawals na nangyayari.
Paliwanag pa ng ahensya ay posibleng lumagpas sa halaga ng utang ang makuha ng mga nagpapautang.
Baka Bet Mo: LTFRB: Mag-ingat sa ‘modus’ na nagpapanggap na TNVS
“This scheme may lead to financial troubles for cardholders as it may be difficult for them to monitor withdrawals made by people to whom the ATM card and PIN were given,” sey sa inilabas na advisory ng BSP.
Dagdag pa, “Creditors may also withdraw amounts higher than the cardholders’ debt.”
Pinayuhan din ng central bank ang mga umuutang na maging informed pagdating sa mga batas patungkol sa mga utang.
Ito ay para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa “unreasonable demands.”
Pinapayuhan din ng ahensya ang mga may balak umutang na gawin na lang ito sa direkta sa BSP-supervised banks at ilang financial institutions.
Kabilang na riyan ang pawnshops, money services, e-cash issuers, at non-stock savings and loan associations.
Read more: