‘Glorious’, ‘Spirits Reawaken’, ‘Alamat Ng Ano’ hahataw na sa IWant ng ABS-CBN | Bandera

‘Glorious’, ‘Spirits Reawaken’, ‘Alamat Ng Ano’ hahataw na sa IWant ng ABS-CBN

- November 14, 2018 - 12:15 AM

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

MGA orihinal na programa at pelikula ang handog ng bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant na tiyak aabangan at tututukan simula Nob. 17 kasabay ng opisyal na paglulunsad nito.

Sa bagong iWant, maaaring mapanood nang libre ng users sa loob ng bansa ang mga palabas sa iOS at Android apps o sa pamamagitan ng web browser. Sigurado namang mae-enjoy rin ang mga kapana-panabik na palabas na ito na papatok sa panlasa ng bawat user.

Maglalagablab ang iWant sa inaabangang pelikulang “Glorious,” kung saan tampok ang maiinit na eksena at nakaka-in love na May-December relationship nina Glory (Angel Aquino) at Niko (Tony Labrusca).

Matapos makapagtala ng 14 milyong views wala pang isang linggo matapos itong ipalabas, mapapanood na ang kwento ng dalawang taong ipaglalaban ang kanilang relasyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga pananaw, agwat sa edad, at ang panghuhusga ng kanilang pamilya at komunidad.

Muli ring mapapanood sa iWant ang isang seryeng nilikha ni Chito Roño sa pagbabalik nito bilang “Spirits Reawaken,” na susundan ang adventures ng anim na teenagers na madidiskubre ang kanilang mga kapangyarihan upang mailigtas ang mundo mula sa mga alien.

Dadalhin naman ng serye ang iWant users sa 90s, at pagbibidahan ng young stars na sina Grae Fernandez, Kira Balinger, Jairus Aquino, Bugoy Cariño, Patrick Quiroz at Chantal Videla sa direksyon ni Topel Lee.

q q q

Sampung episodes naman ng anthology series na “Alamat Ng Ano” ang magpapatawa at magpapakiliti sa imahinasyon ng mga manonood. Sa show, tatalakayin ang pinagmulan ng mga ordinaryong bagay sa nakaaliw na paraan sa pagkekwento ng madaldal na barangay tanod (Jobert Austria) at ng sidekick (Nonong Ballinan) niya. Mapapanood din dito ang pinakamakikinang na online stars, kabilang na sina Maymay Entrata, Kisses Delavin, Donny Pangilinan at Melai Cantiveros.

Kabilang din sa line-up ng iWant ang horror film na “Ma” na iikot sa kwento ng batang si Samuel (Kyle Espiritu). Sa murang edad, sisiklab ang kasamaan niya dahil sa kagustuhang mabuhay muli ang namayapang ina (Glydel Mercardo).

Dapat ding abangan ang fashion at travel vlogger na si Laureen Uy sa show niyang “Laureen On A Budget,” kung saan hahamunin niya ang sariling mag-ayos ng outfit o kwarto nang hindi gumagastos nang malaki.

Para mapanood ang mga palabas na ito, kailangan lang nilang mag-download ng bagong iWant app at libre silang makaka-register dito. Ang mga user namang may iWant TV app ay kailangan lang mag-update ng bagong bersyon ng app sa Nob. 17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy namang mapapanood sa iWant ang mga paboritong show at pelikula ng mga Kapamilya, restored movie classics, fastcut versions ng mga umeereng Kapamilya teleserye, at Asianovelas, kabilang na ang back-to-back na Meteor Garden China at ang orihinal nitong Taiwanese version.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending