Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs | Bandera

Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs

Ervin Santiago |January 17,2022
facebook
share this

Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 11:16 AM

Chito Miranda, Neri Naig at Miggy Miranda

HUWAG na kayong magulat at magtaka kung isang araw ay mapanood at marinig n’yo na rin ang anak nina Chito Miranda at Neri Naig na kumakanta at nagpe-perform.

In fairness, mukhang promising at may naghihintay ngang magandang future sa entertainment industry para kay Miggy Miranda dahil ngayon pa lang ay nagpapakita na ito ng interes sa larangan ng musika.

Sa ilang Instagram posts ni Chito, makikita ang pagkahilig ng bagets sa music lalo na sa pagtugtog ng gitara na suportado naman ng kanyang mga magulang.

Nag-post muli ang Parokya ni Edgar frontman sa kanyang IG account ng litrato nila ng anak habang tumutugtog ito ng gitara.

Ito ang caption na isinulat ng OPM icon sa kanyang IG post, “Matagal nang tuwang-tuwa si Miggy sa gitara ko. 

“When he was a lot younger, he would always ask me to play, or sing songs with it tapos sasayaw sya,” simulang pahayag ni Chito.

View this post on Instagram

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Patuloy pa niyang kuwento, “He was genuinely intrigued kung paano sya patugtugin, carefully absorbing how it made sounds while strumming the strings.”

Ayon pa sa hubby ni Neri, talagang kinakarir niya ngayon ang paggabay at pagtuturo kay Miggy sa tamang pagtugtog ng gitara at umaasa na very soon ay matututo na rin itong kumanta.

“Ngayong medyo malaki na sya, at kahit medyo maliit pa yung mga daliri nya to play properly, tinuturuan ko na sya kung paano mag-play ng basic chords.

“Pretty soon, makakakanta na sya ng simple songs while playing, and in a few years, I’m sure masasanay na sya tumugtog nang maayos hehe!

“It is always the perfect time to start learning something new.

Isa si Chito sa mga itinuturing na ideal husband at tatay ng mga netizens among our local celebrities dahil sa pagmamahal at ginagawa nitong pagsasakripisyo para sa kanyang pamilya. 

Sa isang social media post, nagbigay ng pa-tribute si Neri para kay Chito bilang mabuti at responsableng ama.

“You are so full of compassion, love, and strength. Thank you for always supporting us sa mga trip naming gawin ni Miggy sa buhay. We are lucky to have you. Sobrang nakakaproud ka hindi lang bilang isang asawa kundi bilang isang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy Father’s Day sa pinaka astig na tatay sa buong mundo! Mahal na mahal ka namin!”

Bakit malapit sa puso ni Chito Miranda ang Baguio City?

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending