Celine Dion grateful sa bagong album, ginamit sa pelikula nina Priyanka Chopra Jonas at Sam Heughan

Celine Dion grateful sa bagong album, ginamit sa pelikula nina Priyanka Chopra Jonas at Sam Heughan

PHOTO: Courtesy Sony Music

MAKALIPAS ang apat na taon, naglabas na ng bagong album ang legendary singer na si Celine Dion!

Pinamagatan itong “Love Again” na mapapakinggan na sa iba’t-ibang music streaming platform.

May 14 tracks ang nasabing album at kabilang diyan ang limang pinakabagong kanta at ilang classic hits ng Canadian superstar.

Narito ang tracklist ng bagong album ni Celine:

1. Love Again

2. I’ll Be

3. Waiting On You

4. Love Of My Life

5. The Gift

6. It’s All Coming Back To Me Now

7. Orpheus & Eurydice (Score from Love Again)

8. All By Myself

9. Where Does My Heart Beat Now

10. Celine Wisdom (Score from Love Again)

11. A New Day Has Come

12. Courage

13. That’s The Way It Is

14. Love Takes Courage (Score from Love Again)

Baka Bet Mo: Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’

Para sa kaalaman ng marami, ang album rin ang nagsilbing inspirasyon upang mabuo ang upcoming romantic film na pinagtatambalan ng Hollywood stars na sina Priyanka Chopra Jonas at Sam Heughan.

“Some of these songs were recorded a while ago, and yet they still feel so right for this movie,” sey pa ni Celine.

Ani pa niya, “I’m very grateful to be able to share them with you, the ones you know so well along with the new ones.”

Bukod sa dalawang artista, tampok din mismo ang legendary Canadian singer sa pelikulang “Love Again” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa May 5.

Ang istorya ng pelikula ay iikot sa dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng random text messages.

Related Chika:

Read more...