GUSTUNG-GUSTO ng so-so actress na mapasama sa isang programa na okay naman sa lahat pero hindi na ito pinayagan ng namamahala ng show sa personal na dahilan.
“Nagpadala ng fillers si ____ (so-so actress) na sana mapasama siya sa programa dahil wala siyang regular show ngayon at higit sa lahat kailangan niya ng pagkakakitaan.
“E, hindi na pinayagan ni ____ (namamahala ng show) para wala ng isyu sa pagitan ng bida ng programa at ng so-so actress na minsan na ring natsismis noon,” kuwento ng aming source.
Katwiran din ng bida ng programa ay ayaw na niyang magulo ang buhay niya dahil seryoso na siya sa karelasyon niya ngayon at hinding-hindi niya ito pakakawalan dahil sobrang mahal nga niya ito.
“Ito kasing si ____ (so-so actress) alam naman niyang ‘taken’ na ang bida ng programa, naglulumandi pa. Ha-hahahaha!” tumatawang sabi pa ng aming source.
Baka naman naka-move on na ang so-so actress dahil may karelasyon na rin naman siya ngayon?
Baka Bet Mo: Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam
* * *
Nalalapit na ang pagtatapos ng “The Voice Kids” nang ipakilala na ang final three young artists na sina Shane Bernabe, Xai Martinez at Rai Fernandez na maglalaban-laban sa matinding kantahan sa grand finals ngayong weekend (Mayo 20 at 21).
Nakatakdang kumatawan sina Shane, Xai, at Rai sa Kamp Kawayan ni Bamboo, sa Team Supreme ni KZ, at sa MarTeam ni Martin.
Nakakuha ng three-chair turn ang “Kiddie Pop Rockstar” na si Shane noong blind auditions dahil sa kanyang rendition ng “Dukha.”
Napahanga rin ng “Enchanting Siren” na si Xai ang mga coach dahil sa kanyang mala-anghel na boses noong battle rounds. Samantala, pinabilib ng “Emotional Balladeer” na si Rai ang mga manonood nang maluha-luha niyang inawit ang “Ikaw Ay Ako” noong sing-offs.
May kapangyarihan ang mga manonood na pumili ng grand champion sa pamamagitan ng pagboto sa joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang “The Voice Kids” ng isang (1) boto sa isang account lamang.
Sino ang magiging grand champion ngayong season? Alamin sa “The Voice Kids” lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC (weekends simula 7 pm) at TV5 (Saturdays simula 7 p.m., Sundays simula 9 p.m.).
Related Chika:
Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple
Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa