Manilyn Reynes pinaghintay ng 4 na oras sa taping ng isang youngstar, at ang nakakaloka hindi pa kabisado ang dialogue

Manilyn Reynes pinaghintay ng 4 na oras sa taping ng isang youngstar, at ang nakakaloka hindi pa kabisado ang dialogue

Manilyn Reynes

MARAMI rin palang naging pangit na karanasan ang tinaguriang Star of the New Decade noong kanyang henerasyon na si Manilyn Reynes sa mga baguhan at kabataang artista.

In fairness naman kay Mane (palayaw ng aktres), talagang napanatili niya ang kanyang career at versatility bilang aktres sa apat na dekada niya sa mundo ng showbiz.

Yes, nagse-celebrate ngayong taon si Manilyn ng 40th anniversary sa entertainment industry kaya naman naging espesyal ang guesting niya sa  “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, May 17.

Sa panayam ni Tito Boy, napag-usapan nga ang naging journey ni Manilyn, na tinawag ding Horror Queen ng dekada 90, sa showbiz at kung bakit nga ba tumagal siya ng four decades sa industriya.


Paliwanag ni Mane, “Unang-una siguro dahil binigyan tayo ng talent na kailangan nating i-share hindi ba? Nagtagal ako dahil po, hindi po ako nagbubuhat ng (sariling) bangko, pero napaka-professional ko po Tito Boy and you know that.”

Talaga raw ginagampanan ni Manilyn nang buong husay ang lahat ng proyektong ibinibigay sa kanya at nagpapaka-professional siya sa lahat ng oras. Hangga’t maaari ay hindi siya nagpapa-late sa kanyang commitments.

“Kapag may kailangan akong gawin sa trabaho ko, ginagawa ko po talaga and more, kung puwede pang gawing more. Napaka-punctual ko po, totoo po ‘yan,” paliwanag ng magaling na komedyante at drama actress.

Baka Bet Mo: ‘Pepito Manaloto’ nina Bitoy at Manilyn babu muna sa GMA

Sunod na tanong ni Tito Boy, “Ito bang katangiang ito naiintindihan ito ng mga batang artista?”

“Hindi po. I’m sorry to say it’s sad really,” ang pagpapakatotoong sagot ni Manilyn sabay tawa.


Aniya, may pagkakataon na super wait daw siya ng tatlo hanggang apat na oras sa taping dahil na-late ang isang artista at ang mas nakakaloka, hindi pa raw nito kabisado ang kanyang mga dialogue.

“Ako kasi kung alas-otso ang call time ko or seven, I leave the house at like four thirty or five. Hindi baleng mapaaga ako basta nandoon na ako sa area.

“Oo totoo po magpapa-make-up ka pa, pero kung nasa eksena ka na, sana po hindi na nag-i-script, alam mo na dapat ‘yung gagawin o sasabihin,” katwiran ng Kapuso star na nagsimula sa showbiz sa edad na 10.

Hindi naman daw niya sinisita ang mga ganu’ng klaseng artista, “Hindi naman po kasi ako confrontational, eversince. Ayoko din casing masasakit, ayoko namang sabihin nila, ‘nagmamarunong naman ito.’ Pero dahil pareo tayong nasa trabahong ito, sana respetuhan din tayo, sa oras ng lahat.”

In fairness uli, isa si Manilyn sa mga artistang hindi nawalan ng projects sa telebisyon at pelikula. Napapanood pa rin siya sa Kapuso comedy program na “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento” at sa weekend musical variety show na “All Out Sundays.”

Bakit ‘King Ina’ ang pangalan ni Manilyn Reynes sa ‘Mang Jose’ ni Janno Gibbs?

Manilyn kinakarir ang pagwo-workout, naadik sa boxing at hula hoop

Read more...