Kim binansagang Millennial Horror Queen: Pero si Ate Kris will always be the Horror Queen | Bandera

Kim binansagang Millennial Horror Queen: Pero si Ate Kris will always be the Horror Queen

Reggee Bonoan - October 08, 2020 - 02:28 PM

 

 

PASABOG ang rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula niyang “U-Turn” mula sa Star Cinema at Clever Minds Inc., directed by Derrick Cabrido.

Unforgettable raw kasi ito kumpara sa dalawang nauna niyang horror film na “Ghost Bride” at “The Healing.”

“Iba ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!

“Parang ako, hindi ko kayang panoorin, matatakutin kasi ako, so iba ‘yung dating nitong pelikula, iba talaga.

“If napanood mo ‘yung past movies ko, ito na ‘yun, sagad na ‘to. Ito na ‘yung rurok (ng katatakutan) hindi ko alam kung may aangat pa ‘to,” kuwento ni Kim.

Online reporter ang karakter ni Kim sa “U-Turn” bilang si Donna na para sumikat ay may ginawang bagay na sa bandang huli ay nadamay pati ang pamilya at personal niyang buhay.

Reyalidad ang kuwento ng pelikula kahit horror pa ito, “Totoo ‘to (kuwento) kasi ‘yung iba, tradisyon kasi ‘yun like The Healing parang manggagamot hindi naman natin normal na nakikita ang mga manggagamot sa road (daan) lalo na sa siyudad, unless pumunta ka ng probinsya.

“Yung Ghost Bride, hindi mo rin mami-meet ang ghost bride kung wala kang kakilala.

“Unlike itong U-Turn, lagi nating ginagawa like sa work, lagi tayong gumagawa ng mga headline para sumikat tayo.
“Some journalist or nagra-write up ang headline nila ay (pasabog) siyempre kailangan para basahin.  So lagi tayong nakaka-encounter ng may iba fake news, may iba may dagdag news,” paliwanag ng aktres.

Naikuwento ni Kim na ang “The Healing” at “Ghost Bride” ay hindi niya nakikita o katabi ang mga multo dahil ang kaharap niya ay camera kapag umaarte siya.  Hiwalay na kuha raw ang mga iyon.

“Itong U-Turn, sobrang nakakatakot kasi ngayon lang ako gumawa na kaharap ko mismo ang multo, ganito kalapit (nagmuwestra) kaya nakakatakot talaga,” aniya pa.

Tinawag na Millennial Horror Queen si Kim dahil lahat ng ginawa niyang katatakutang pelikula ay kumita, “Ate Kris (Aquino) will always be the horror queen, siyempre siya talaga ang nag-iisa at walang makakagalaw no’n.
“Meron lang akong millennial nadagdag na word. So, sa ibang barangay ako. Ibang distrito po ako. Pero lahat ‘yun ‘queen’ pero mas malayo na ‘yung siyudad niya sa siyudad ko,” paliwanag ni Kim sa ibinigay sa kanyang title.

Anyway, mapapanood na ang “U-Turn” sa Okt. 30 (live streaming) via KTX.ph, iWant TFC app at website or pay-per-view via Cignal and Sky Cable sa halagang P150.00.

Kasama rin ni Kim sa movie sina Tony Labrusca, JM de Guzman, Miel Espinosa, Jojit Lorenzo, Alex Medina, Jerry O’hara, Simon Ibarra, Mercedes Cabral, Almira Muhlach, Sky Quizon, Via Antonio, Martin del Rosario, Cris Villonco at Cris Villanueva.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending