Tatay ni Manilyn Reynes pumanaw na: Pahuway na, Dy... | Bandera

Tatay ni Manilyn Reynes pumanaw na: Pahuway na, Dy…

Ervin Santiago |February 02,2021
facebook
share this

Tatay ni Manilyn Reynes pumanaw na: Pahuway na, Dy…

Ervin Santiago - February 02, 2021 - 06:36 PM

NAGLULUKSA ngayon ang Kapuso actress-singer na si Manilyn Reynes dahil sa pagpanaw ng kanyang ama ngayong araw, Feb. 2.

Ibinahagi ng leading lady ni Michael V sa Kapuso comedy show na “Pepito Manaloto” ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ipinost ng aktres ang litrato nila ng amang si Nelson Reyes sa IG at nilagyan ng caption (sa salitang Cebuano) na, “Pahuway na, Dy. Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka.

“Namu nilang Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael. Love you very much. We all love you very much,” aniya pa.

(Tagalog translation: Pahinga na, Dy. Wala na ang sakit at hindi ka na mahihirapan pa. Mahal na mahal kita, naming lahat nina Aljohn, Kyle, Kirk at Kael.)

Nito lang nagdaang Biyernes, nakiusap pa si Mane (palayaw ng aktres) sa kanyang mga social media followers na mag-alay ng  taimtim na dasal para sa kanyang tatay.

“Please help us pray for Daddy.

Salamat po,” aniya gamit ang hashtag #prayersfordaddynelson.

Ipinost din niya rito ang isang Bible verse (Isaiah 41:10), “So do not fear, for I am with you: do not be dismayed for I am your God.

“I will strengthen you and help you: I will uphold you with my righteous right hand.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagkakaalam namin, matagal nang may sakit ang ama ni Manilyn pero talagang lumalaban ito kaya tumagal pa ng ilang taon ang kanyang buhay.

Bumuhos naman sa IG account ni Mane ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa kanyang mga fans at ilang kaibigan sa showbiz kabilang na sina Janno Gibbs, Arthur Solinap, John Feir, Jackilou Blanco at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending