Valerie Concepcion nakatanggap ng bonggang Mother’s Day gift, buntis sa unang anak nila ni Francis Sunga: ‘God has given us our little answered prayer’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Valerie Concepcion at Francis Sunga
MAS naging espesyal ang selebrasyon ng Mother’s Day para sa Kapuso actress at celebrity mommy na si Valerie Concepcion at sa kanyang husband na si Francis Sunga.
Kasabay nga ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina kahapon, ibinandera ni Valerie ang kanyang pagdadalang-tao na matagal na rin nilang ipinagdarasal na mag-asawa.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Valerie ng ilang photos mula sa kanyang maternity shoot kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump. Ito ang magiging unang baby nila ni Francis.
Itinuturing daw nilang biggest blessing this year ang kanyang pagbubuntis at isang napakabonggang regalo sa kanya sa Mother’s Day.
“Mother’s Day this year is extra blissful for me because God has given us our little answered prayer.
“My husband and I are very grateful for this very precious gift and we couldn’t be any happier sharing this news,” ang bahagi ng caption ng Kapuso actress at “The Seed Of Love” star.
“THANK YOU LORD for making our lives extra wonderful, special and exciting. We’re so blessed to have our growing family. This is the best mother’s day gift ever!” aniya pa.
Nagbigay din si Valerie ng mensahe sa lahat ng mga nanay all over the universe, kabilang na ang kanyang ina na patuloy na nagbibigay ng unconditional love sa kanilang pamilya.
“Happy Mother’s Day to all the SUPER MOMS out there! Especially to our dearest mother whom we love and adore so much.
“Thank you Mom for always being there for us, for taking care of us and loving us the way that you do,” sabi pa ni Valerie.
May isa nang anak si Valerie sa dati niyang partner, si Heather Fiona Galang na 16 years old na ngayon.