Ilang beauty queens ‘proud na proud’ sa panalo ni Michelle Dee sa Miss Universe PH 2023: ‘We will support you all the way!’

Ilang beauty queens ‘proud na proud’ sa panalo ni Michelle Dee sa Miss Universe PH 2023: ‘We will support you all the way!’

Catriona Gray, Winwyn Marquez, MJ Lastimosa

NAGBUNYI ang ilang Pinay beauty queens matapos koronahan bilang bagong Miss Universe Philippines si Michelle Marquez Dee.

Magugunitang 37 na iba pang mga kandidata mula sa iba’t-ibang panig ng ating bansa ang naglaban-laban upang maging kinatawan ng Pilipinas sa gaganapin na international competition sa bansang El Salvador ngayong taon.

Dahil diyan, naghayag sila ng suporta sa bagong reyna at sinabi pa na proud na proud sila sa naging achievement ni Michelle.

Sa isang social media post, tuwang-tuwa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa naging achievement ni Michelle.

Nakwento pa niya na nasa Italy siya nang mabalitaan na may bagong reyna na ang MUPH.

Sey ni Catriona, “Just got signal here in Tuscany and saw all the news! We have a new Ms Philippines! Congrats @michelledee!! [clapping hands emoji].”

“Excited to witness how you’ll carry our sash again!,” ani pa niya.

Para naman sa pinsan ni Michelle na si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez, tila sinagot ang panalangin ng beauty queen.

“Congratulations Michelle!! [crown emojis] The stars have aligned for you. will support you all the way. Let’s go Philippines [Philippine flag],” tweet niya.

Napa-comment naman si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa isang sociel meida post at sinabing deserving ni Michelle ang nakuhang korona.

“Tooo good!! And deserving! Congratulations Michelle [happy face with heart eyes emojis],” komento niya.

Lahad naman ni Binibining Pilipinas 2014 MJ Lastimosa sa Twitter, “Congratulations Michelle Dee our Miss Universe Philippines 2023!!!! Let’s gooo [red heart, Philippine flag emojis].”

Related Chika: 

Michelle Dee humakot ng special awards sa preliminary competition ng Miss Universe PH 2022

Read more...