Joey Marquez 2 beses pinatay sa social media
BIKTIMA ang aktor at komedyanteng si Joey Marquez ng fake news matapos itong dalawang beses patayin sa social media.
Kumalat kasi sa YouTube ang mga videos kung saan binabalita ang pagpanaw ng aktor na hindi naman totoo.
“Tsong, buhay ka pala. Akala ko patay ka na,” pabirong bumgad ni Ogie Diaz nang makapanayam si Joey Marquez.
“Dalawang beses na nga akong namatay, eh. Inatake raw ako noong una. Ngayon naman diabetes raw. Ano kaya ang susunod?” saad ng aktor.
“It comes in threes,” banat naman ni Ogie.
“Teka muna! Baka ‘yung ika-third, toto na ‘yun,” ganti ng komedyante.
Kuwento pa niya, dumagsa ang tawag mula sa mga kaibigan at kamag-anak nila ng kaniyang asawq dahil diumano’y pumanaw na siya.
“Noong una tong lumabas, lahat ng kamag-anak ko tumawag. Tapos nung tumawag, tinatanog ako kung kumusta na ako. Sabi ko, ‘eh di buhay pa. Kausap n’yo ko eh’. Akala daw nila namatay na raw ako.
“Pangalawa naman sa mga kaibigan ni Malou (asawa no Tsong Joey). Nagwo-worry sa kaniya at tinatanong kung kumusta na raw ako. Kino-console siya, kung okay lang siya, kung kaya niya. Sabi niya ‘bakit?’, ‘eh hindi ba nagka-diabetes si Tsong, nasa hospital’,” lahad niya.
May isang delivery boy rin ang kinamusta ang lagay ng aktor nang mag-deliver ito sa kaniya dahil nabalitaan daw nito sa online na nasa hospital raw siya at patay na.
Tumawag rin daw ang anak nitong si Vito at biniro siya na dalawang beses na siyang namamatay na tinawanan lang nilang mag-ama.
“Sana naman gumawa sila ng iba pang balita. ‘Wag naman ‘yung mga buhay, papatayin na nila kaagad. At tsaka ‘wag nang pagkakitaan ‘yun, no. Hindi maganda, eh.
“Puwede naman akong kausapin na gumawa nang kug anuman para kumita sila. ‘Wag na nila akong patayin. Kawawa naman ako,” mensahe nito sa nagpapakalat ng mga pekeng balita.
Sa kabila naman ng mga nangyari ay may maganda pa rin itong naidulot para sa aktor.
“Ito nga ‘yug pinakamaganda sa lahat, eh. ‘Yung di ka pa patay alam mo na kung sino at ilan ang nagmamahal sa ‘yo. Kasi karaniwan kung kailan ka namatay tsaka lang sasabihin na mahal ka, tsaka lang sasabihin na concern siya.
“Sabi ko, ‘sa bagay mas maganda ‘to kasi ngayon pa lamang, alam ko na kung sino ‘yung nagmamahal sa akin na buhay pa ako,” sinserong saad ni Tsong Joey.
Payo naman ni Ogie sa mga gumagawa ng fake news, ‘wag namang pumatay ng kapwa para kumita.
Dagdag pa nito, huwag agad maniwala sa mga videos at maniwala lang sa mga reliable source gaya ng Inquirer.net at iba pag news outlets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.