Lara Quigaman ibinandera ang ‘reality’ sa pagiging ina

Lara Quigaman ibinandera ang ‘reality’ sa pagiging ina: ‘It’s exhausting but I love it!!!’

Pauline del Rosario |May 14,2023
facebook
share this

Lara Quigaman ibinandera ang ‘reality’ sa pagiging ina: ‘It’s exhausting but I love it!!!’

Pauline del Rosario - May 14, 2023 - 12:40 PM

Lara Quigaman ibinandera ang ‘reality’ sa pagiging ina: ‘It’s exhausting but I love it!!!’

PHOTO: Instagram/@laraqigaman

KASABAY ng Mother’s Day ay ipinakita ng beauty queen-actress na si Lara Quigaman ang tila behind-the-scenes ng kanyang pagiging ina sa tatlong anak.

Sa pamamagitan ng Instagram, tila kinumpara niya ang mga nakikita ng netizens bilang celebrity at ang totoong nangyayari sa kanyang buhay.

Sa unang picture ay ibinandera niya ang mala-model look na pagpo-pose, habang ang mga kasunod naman na mga litrato ay ‘yung “reality” na nararanasan sa pagiging mommy. 

Ilan pa nga sa mga ipinakita niya ay ‘yung pag-aasikaso sa kanyang mga anak, kagaya ng pagpapatulog at pagpapaligo sa mga ito.

Caption pa niya sa IG post, “Me….but alsoooo me 🙈 (swipe)”

Inamin ni Lara na nakakapagod maging isang ina, pero ito naman ay gustong-gusto niya.

Baka Bet Mo: Lara na-expose sa katrabahong nag-positive sa COVID; Marco nakauwi na matapos tamaan ng virus

“Being a mom is not always glamorous, most of the time it’s messy, sticky – exhaustingggg but I love it!!!,” sey niya.

Sabi pa niya, mas pipiliin niya ‘yung walang ligo at magulong buhok para lamang maalagaan ang tatlong anak.

“I’d choose no ligo, messy hair over a glam me if it means seeing my kids taken care of and happy [white heart emoji],” lahad pa niya.

Pagbati pa niya sa lahat ng mga nanay, “To all my fab mama followers – an advance happy mothers day to all of you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman)

Matatandaang ikinasal sina Lara at mister na si Marco Alcaraz sa Canada noong 2010.

Muli silang nagpakasal sa Tagaytay City noong 2012.

Mayroon silang tatlong anak na sina Tobias, Moses at Noah.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lara Quigaman isinugod sa hospital dahil sa kidney infection

Paolo may anak na kay Lara; nakatakdang kasal napurnada dahil sa pandemya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending