Lara Quigaman kinarir ang panggagaya kay Charo Santos para sa 'Batang Quiapo', pero... | Bandera

Lara Quigaman kinarir ang panggagaya kay Charo Santos para sa ‘Batang Quiapo’, pero…

Ervin Santiago |February 16,2023
facebook
share this

Lara Quigaman kinarir ang panggagaya kay Charo Santos para sa ‘Batang Quiapo’, pero…

Ervin Santiago - February 16, 2023 - 07:19 AM

Lara Quigaman kinarir ang panggagaya kay Charo Santos para sa 'Batang Quiapo', pero...

Lara Quigaman at Charo Santos

BUKOD kay Miles Ocampo, isa pa sa mga umaani ng papuri ngayon sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay ang former beauty queen-actress na si Lara Quigaman.

Kahit maikli lamang ang naging role nina Miles at Lara sa bagong teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN ay talaga namang nagmarka ang dalawang aktres sa manonood.

Si Lara ang gumaganap na young Charo Santos bilang si Tindeng at lahat nga ng mga nakapanood sa mga eksena ng dating beauty queen ay humanga sa kanyang galing.

Nagkuwento si Lara sa naganap na grand mediacon ng “Batang Quiapo” tungkol sa mga pinagdaanan niya bilang isang artista lalo na noong nagsisimula pa lamang siya.

“Isang karangalan ang maging parte ng Batang Quiapo. Bago ang lahat, maraming salamat po sa lahat ng nagsabi na napakagaling po ng eksena namin.

“Palagi ko po sinasabi sa lahat ito na kung ano ang narating ko sa pag-arte ko dahil ‘to sa mga nakasama ko sa industriya,” ani Lara.

Kahit pang-flashback lang daw ang role niya sa “Batang Quiapo” ay talagang kinarir at inaral niya ang mga kilos at pananalita ni Charo Santos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman)


“Actually, I came in to the set na dahil alam kong batang Charo ako, pinanood ko talaga ‘yung iba niyang naging eksena sa iba niyang mga palabas.

“Pero pagdating ko sabi sa akin ni Direk Malou (Sevilla) ‘hindi wag mong gayahin ‘yun.’ Kailangan magaspang, kailangan ‘yung boses mo nakikiskis ‘yung lalamunan mo,” sabi pa ng celebrity mom.

Dagdag pa ni Lara, “Siguro medyo nadala ko pa rin ‘yung paggaya, siyempre kapag Madam, so ganu’n po siya. Pati mga hand gestures, Tina-try ko pa rin na kopyahin.”

Nauna nga rito, todo rin ang papuri ng manonood kay Miles matapos ang trending at viral scenes nila ni Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo”, kabilang na nga ang kanyang rape scene.

“Malaking pasalamat po na si Kuya Coco po ‘yung kaeksena ko and siya rin ang director at the same time. Parang for a time medyo nalito po ako kung ano po ang itatawag ko kung kuya ba or direk?

“Pero nandon po kasi ‘yung alaga and magiging komportable ka kasi kapag alam mong inaalagaan ka at alam mong naniniwala sa kung ano ang kaya mong gawin so you just have to give kung ano ang hinihingi ng direktor mo.

“Siguro, nag-trust po ako fully kay direk Coco kaya ganun ang naging resulta ng eksena,” sey pa ni Miles na gumaganap naman bilang batang Cherry Pie Picache as Marites.

Lara sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022: There were no mistakes, our new Queens are deserving and the rightful winners

Lara Quigaman isinugod sa hospital dahil sa kidney infection

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending