Top 5 finalist sa Miss Universe PH 2023 sasabak na sa Q&A segment; Michelle Dee, Pauline Amelinckx bakbakan sa huling round
MATAPOS mapabilib ang mga judges at pageant fans sa buong mundo dahil sa ipinakita nilang performance, pasok sa final round ang limang kandidata ng Miss Universe Philippines 2023.
Maglalaban-laban sa last round ng pageant sina Krishnah Marie Gravidez, Baguio; Angelique Manto, Pampanga; Pauline Amelinckx, Bohol; Christine Opiaza, Zambales; at Michelle Marquez Dee, Makati.
View this post on Instagram
Ito na ang pinakaaabangan ng lahat dahil dito na nga masusubok ang bilis ng isip at ang galing sa pagsagot ng limang kandidata.
Isa ito sa pagkukunan ng puntos ng mga judges para malaman kung sino sa Top 5 finalists ang karapat-dapat na pumalit sa trono ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Ito ang ikaapat na pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng pandaigdigang patimpalak.\
Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest.
View this post on Instagram
Bitbit ngayon ng bagong reyna ang tungkuling mapanumbalik ang lakas ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong isang taon ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.
Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Pauline Amelinckx sa muling pagrampa sa Miss Universe PH: ‘Not a last minute decision’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.