Top 10 finalist sa Miss Universe PH 2023 napili na; Michelle Dee, Pauline Amelinckx, Samantha Panlilio tuloy ang laban | Bandera

Top 10 finalist sa Miss Universe PH 2023 napili na; Michelle Dee, Pauline Amelinckx, Samantha Panlilio tuloy ang laban

Ervin Santiago - May 13, 2023 - 09:17 PM

Top 10 finalist sa Miss Universe PH 2023 napili na; Michelle Dee, Pauline Amelinckx, Samantha Panlilio tuloy ang laban

Miss Bohol, Miss Makati at Miss Cavite

TULOY pa rin ang laban ng 10 kandidata sa ginaganap ngayong grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 sa Mall of Asia Arena hosted by Kapuso actors Alden Richards and Xian Lim.

Pasok na pasok pa rin sa next round ng pageant sina Michelle Marquez Dee, Makati; Pauline Amelinckx, Bohol; Klyza Ferrando Castro, Davao Oriental; Krishnah Marie Gravidez, Baguio; Christine Opiaza, Zambales; Jan Marie Bordon, Bacolod; Jannarie Zarzoso, Agusan del Norte; Rein Hillary Carrascal, Sorsogon; Airissh Ramos, Eastern Samar; Samantha Panlilio, Cavite.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Muling magpapatalbugan ang Top 10 finalists sa susunod na challenge at pagkatapos nito ay pipiliin na sa kanila ang Top 5 na siyang maglalaban-laban para sa huling round.

Sasabak na rin ang 10 kandidata sa question and answer portion ng pageant. As usual, ito na ang pinakaaabangan ng lahat dahil dito na nga masusubok ang bilis ng isip at ang kanilang galing sa pagsagot.

Isa ito sa pagkukunan ng puntos ng mga judges para malaman kung sino ang hihiranging Top 5 finalists na maglalaban-laban para malaman kung sino ang karapat-dapat na pumalit sa trono ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

Baka Bet Mo: Samantha Bernardo sa pagsabak sa mundo ng showbiz: Hindi ko rin sure kung ito talaga ‘yung gusto ko pang gawin

Ito ang ikaapat na pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng pandaigdigang patimpalak.

Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest.

Bitbit ngayon ng bagong reyna ang tungkuling mapanumbalik ang lakas ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong isang taon ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.

Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Samantha Bernardo sa pagsabak sa mundo ng showbiz: Hindi ko rin sure kung ito talaga ‘yung gusto ko pang gawin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pauline Amelinckx sa muling pagrampa sa Miss Universe PH: ‘Not a last minute decision’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending