Xian Lim childhood dream ang figure skating: Around 20 years later, I’ve been given a chance to learn!
TILA napa-trip down to memory lane ang singer-actor na si Xian Lim matapos ibandera ang kanyang childhood photo sa social media.
Inalala niya sa nasabing post ‘yung mga panahon na nais niyang matutong mag-ice skating.
Sa Instagram, makikita ang lumang photo na nasa ice skating rink siya at kasunod niyan ay ‘yung present video na ipinapakita naman ang kanyang skills sa pag-a-ice skate.
Caption niya, “Sharing with you all a picture @mommymaryanne shared with me. Nahanap niya sa baul [happy face emoji].”
Naikuwento rin niya na bata pa lang siya ay gustong-gusto na niyang matutong mag-ice skate.
Dahil diyan ay naging dream come true ito dahil matapos ang ilang dekada ay nabigyan siya ng pagkakataon na matutunan ito.
“Ever since I was a kid, I wanted to learn to skate on ice. Finally, around 20 years later, I’ve been given a chance to learn for a TV series [emojis],” chika niya.
Dagdag pa niya, “Fate works in mysterious ways.”
“We don’t get what we want right away but we eventually end up with where we’re supposed to be [red heart emojis],” aniya pa.
View this post on Instagram
Kasalukuyang pinagbibidahan ni Xian ang figure skating series ng GMA na “Hearts On Ice.”
Katambal niya riyan ang Kapuso actress na si Ashley Ortega.
Magugunitang ilang buwan sumailalim sa training ang aktor sa ice rink, kung saan nakakasama rin niya si Ashley.
Noong Disyembre ay ibinandera ni Xian na siya ay certified ice skater na matapos makapasa sa “pre-Alpha Delta Test for ice skating.”
Nakwento pa nga niya na apat na buwan niyang inaral ito at hindi niya akalain na matututunan niya pa ito sa kabila ng kanyang edad.
Inamin din niya hindi madali ang pinagdaanan niya sa training at madalas pa siyang matumba.
Related Chika:
Jake Ejercito natupad na ang childhood dream; walang planong tumakbo sa 2022, pero…
Camille Prats hindi nanakawan ng childhood kahit maagang nag-artista: I really think it’s a blessing
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.