Milagrong buhay ni ‘Big George Foreman’ mapapanood na

Milagrong buhay ni ‘Big George Foreman’ mapapanood na; ‘Evil Dead Rise’ mananakot uli sa sinehan

Pauline del Rosario - May 11, 2023 - 05:31 PM

Milagrong buhay ni ‘Big George Foreman’ mapapanood na; ‘Evil Dead Rise’ mananakot uli sa sinehan

‘Big George Foreman,’ ‘Evil Dead Rise’

PALABAS na sa mga sinehan ang true story ng isa sa mga kilalang atleta pagdating sa kasaysayan ng boxing – ang legendary boxer na si “Big George.”

Ang title ng pelikula ay “Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World.”

Ang kwento niyan ay iikot sa nangyaring himala sa buhay ng boksingero na kung saan ay nagkaroon siya ng “near-death experience” sa kasagsagan ng kanyang kasikatan.

At dahil sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos, gumawa ng kasaysayan si George bilang pinakamatandang “World Heavyweight Boxing Champion.”

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng American actor na si Khris Davis.

Baka Bet Mo: Buhay ng legendary boxer na si ‘Big George Foreman’ masasaksihan sa pelikula

***

Samantala, kung horror naman ang trip niyo, mapapanood na sa mga sinehan ang ika-limang kabanata ng iconic horror film na “The Evil Dead.”

Ang title niyan ay “Evil Dead Rise” na tungkol sa pagkikita ng dalawang magkapatid na babae na sina Beth at Ellie.

Mag-uumpisa ang kababalaghan at kaguluhan matapos matagpuan ang “Book of the Dead” na nagpalaya ng masasamang espiritu at sumapi pa ang isang demonyo kay Ellie.

Pagbibidahan nina Lilly Sullivan at Alyssa Sutherland ang nasabing horror film.

Related Chika:

#SanaAll: Maja, Joshua, Sofia naka-bonding sa Switzerland si George Clooney, iba pang Hollywood stars

Pinay na ka-join sa ‘All Of Us Are Dead’ nakagawa na ng mahigit 80 K-drama, paano naging artista sa Korea?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending