#SanaAll: Maja, Joshua, Sofia naka-bonding sa Switzerland si George Clooney, iba pang Hollywood stars | Bandera

#SanaAll: Maja, Joshua, Sofia naka-bonding sa Switzerland si George Clooney, iba pang Hollywood stars

Ervin Santiago |August 29,2022
facebook
share this

#SanaAll: Maja, Joshua, Sofia naka-bonding sa Switzerland si George Clooney, iba pang Hollywood stars

Ervin Santiago - August 29, 2022 - 06:11 PM

Rambo Nunez, Joshua Garcia, Maja Salvador, George Clooney, Sofia Andrea at Daniel Miranda

ANG bongga naman ng mga ganap ng magkakaibigang Joshua Garcia, Maja Salvador at Sofia Andres, ha!

Nakasama at naka-bonding lang naman kasi nila nang personal ang ilan sa mga Hollywood stars nang um-attend sila sa isang event na ginanap sa Switzerland.

Nangyari ang pagrampa nina Maja, Joshua at Sofia sa nasabing bansa nitong nagdaang weekend.

Kabilang sila sa mga Filipino celebrities na dumalo sa sosyaling event ng isang luxury watch brand.

Kasama ni Maja ang kanyang fiancé na si Rambo Nunez habang ka-join naman ni Sofia ang boyfriend na si Daniel Miranda.

View this post on Instagram

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Base sa mga litratong ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account, ilan sa mga Hollywood stars na na-meet nila roon ay sina George Clooney, Anthony Anderson, Glen Powell at Paul Wesley.

May mga pictures din sila na kuha sa isang golf event doon na in-organize rin ng nasabing luxury watch brand.

Napapanood ngayon si Joshua sa ABS-CBN TV adaptation na “Mars Ravelos’ Darna” habang si Maja naman ay regular nang host sa “Eat Bulaga” at busy din sa pag-aasikaso sa sarili niyang talent management company.

Wala pang acting project ngayon si Sofia na hands-on mom naman sa anak nila ni Daniel.

Samantala, nag-post din si Sofia sa IG ng photo nila ng Hollywood superstar at Academy-award-winning actor na si George Clooney.

Umani naman ito ng napakaraming likes and comments at halos lahat ng kanyang IG followers ay napa-sana all na lang sa paandar na litrato ng celebrity mom.

https://bandera.inquirer.net/286767/sofia-mas-naging-better-person-mula-nang-maging-nanay-juday-echo-eeksena-sa-gma
https://bandera.inquirer.net/299947/marian-lalong-na-miss-ang-anak-nang-makita-ang-baby-ni-sofia-andres

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316646/manny-jinkee-naghyun-bin-at-son-ye-jin-sa-location-ng-crash-landing-on-you-sigaw-ng-netizens-sana-all

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending