“NA-MISS daw ako ni Edu!”
Ito ang titulo ng vlog ni Maricel Soriano sa panayam niya sa ex-husband na si Edu Manzano na mapapanood sa kanyang YouTube channel na umabot na sa mahigit 1.3 million views and still counting.
Ang ganda ng naging takbo ng tsikahan ng ex-couple dahil binalikan nila ang mga nakatutuwang nangyari noong mag-asawa pa sila.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Doods at Marya at sa muli nilang pagkikita ay parang walang ganu’ng nangyari.
Nagkumustahan muna ang dalawa at naikuwento ng aktor ang tungkol sa mga anak niya tulad ng panganay niyang si Luis na nagpabinyag kamakailan kaya’t lolo na siya.
Sumunod si Enzo na nasa Amerika at nakatanggap ng scholarship sa New York University, ang nag-iisang babaeng si Addie na sa edad na 30 ay nqnanatiling single at wala pang planong bigyan ng apo ang aktor at bunsong anak na si Diego na nag-aaral sa Ateneo de Manila University na ikinagulat ng aktres dahil hindi na niya ito inabot.
“Na-miss mo ba ako?” diretsong tanong ni Maricel kay Edu.
“Bago ka pumasok? Nag-iiyak ako ro’n (sabay turo sa labas na ikinatawa ng husto ng aktres) alam mo hindi madali itong ginagawa ko, huh? Naghanda ako, three days na ‘magkikita kayo ni Marya, magkikita kayo ni Marya.’ Positive thinking,” nakangiting sagot ng aktor.
Baka Bet Mo: Cherry Pie, Edu strong pa rin ang pagmamahalan, isyung hiwalay na fake news lang
Nabanggit pa ni Edu na maaga siyang dumating sa location at siya ang nag-set up ng kanilang dining table at mga kakainin na tawang-tawa naman ang aktres.
“Nakakaloka ka pa ring kausap,” tumatawang sabi ng ex-wife ni Doods.
Napag-usapan ang mga ginawa nilang pelikula tulad ng “Separada” noong 1994; “Ama, Ina, Anak” taong 1996, “Babaeng Hampaslupa” noong 1988 at marami pang iba. Sabi ni Edu, ang paborito niya sa lahat ay ang “Separada” dahil nangyayari at totoong sitwasyon aniya.
Natanong kung anong movie ang hindi malilimutan ni Edu at nabanggit niya ang action movie na “Wakwak” noong 1989 kasama si Richard Gomez.
“Minsan kasi sa probinsya walang magagandang tulugan, so, kung ano (lang) ‘yung nandoon, doon na kayong lahat hindi ka naman puwedeng humingi ng special treatment kasi lahat kayo pare-pareho dapat.
“So, nagsu-shooting ako at kung saan kami naka-book ay hindi talaga kagandahan because luma, tumutulo ‘yung kisame.
“Tapos pag check-in pagkuha ko ng bag at pagbalik ko ng umaga, pagkatapos ng shooting iba na ‘yung buong kuwarto, iba ‘yung bedsheets, iba ‘yung mga unan, iba ‘yung amoy (kuwarto), may lampara pa, sabi ko kuwarto ko ba ‘to? E, ‘yun pala dumaan si Maricel (at) dala-dala lahat ‘yan,” pagdedetalye ni Doods.
Sabi kaagad ni Marya, “E, kasi baka hindi siya makatulog nagwo-worry ako.”
Tuloy ni Edu, “At saka ito kasi Lysol (sabay muwestra) grabe! Ang sarap ng tulog ko no’n kahit tumutulo ‘yumng kisame, maingay ‘yung aircon pero sige lang kasi alam ko maayos na maayos at malinis.”
At dito na ibinuking ni Edu na hoarder ang aktres “Naalala ko na kapag kami’y bumibiyahe kung may nagustuhan siyang isang bagay may kalahating balikbayan box na puro ganyan lang (laman).
“So, pag may nagustuhan siyang pabango kalahating balikbayan box kasi ‘yung kalahati no’n, ibang bagay naman (ilalagay). Kung baga smuggling ang dating, eh,” balik-alaala ni Edu na ikinatawa nang husto ni Maricel.
Dagdag pa, “Doon ako nahiya kasi sasabihin commercial quantities na kasi ito, pang department store (pinamili), doon ako natatakot mahuli. So, uuwi ka ang maleta mo dalawa pero ang balikbayan box n’yo, 10.”
Tanong kaagad ng aktres, “Oh, masama ba ‘yun?”
“Hoarding ang tawag do’n, eh,” katwiran ng aktor.
“Ah hoarding ba ‘yun? Hindi ko alam, hindi ko napansin,” sabi naman ng ex-wife ni Doods.
“Hoarding ang tawag do’n. E, di ba may nagra-rice hoarding, may nagsu-sugar hoarding. Ikaw puro pangkatawan, amoy. Ang daming nagsarang negosyo dahil sa ‘yo,” tila kinagagalitan ni Edu si Maricel.
Nagtatakang tanong, “Bakit naman?”
“Kasi wala silang masuplayan, walang makuhang supply kasi sa ‘yo lahat!” seryosong sabi ni Edu sabay tanong sa mga kasama, “hanggang ngayon pa ba ganu’n pa rin siya? Ganu’n pa rin?”
Sabi naman ni Maricel, “Hindi na, wala nang ganu’n behave na ako.”
“So, one-fourth na lang?” tanong ng aktor sa aktres.
At may dahilan naman din daw si Maricel kung bakit ganito mamili ng gamit ay dahil matagalan naman niya itong supply lalo’t kasagsagan niya ng shootings noon at laging may mga bitbit ito pagpupunta sa shoot.
Sabi ni Edu na bawa’t item na kakailanganin ni Marya ay isa-isa niyang kinukuha sa bawa’t box kaya marami nga raw nakahilerang balikbayan boxes noon.
At dahil sa pambubuking ni Edu ay nagsabi naman si Maricel ng alaala niyang hindi malilimutan nang minsang nagda-drive ang una.
“Ang likot ng mga mata nito kapag nagmamaneho, e. May mga binatilyo sa tabi, nasa front seat ako, naku, naliliparan ‘yung mga (binatilyo), lumipad, lumipat (muwestrang kaliwa’t kanan).
“Sabi ko, anong nangyayari? Sabi niya, wala ‘yun! Pero nakita ko nagliparan ‘yung mga teenagers na akala mo hippie-hippie mga ganu’n dating?” paglalarawan ng aktes.
“Ano? Sisiraan mo ako? Ano binundol ko?” tanong kaagad ni Doods sa aktres.
“Hindi wala nga akong nakitang binubuntal ka,” giit naman ni Marya.
“Ano sinagasaan ko?” tanong ulit ng aktor.
“Hindi, wala nga akong nakita nasa kotse ako,” sabi ng aktres.
“E, ako (nasaan)?” tanong ni Edu.
“Bumaba ka,” sabi naman ni Maricel.
“Ayun, lilinawin mo na bumaba ako! Wow, siniraan mo ako,” birong sabi ng aktor.
“Hindi, naaliw kasi ako, lumilipad kasi sila kaya hindi ko makakalimutan,” sabi naman ng aktres.
Isa pang hindi makalimutan ay nang nagte-taping daw si Marya ng “Maricel Drama Special” ay may naririnig siyang kumakanta at nagigitara at tinanong daw niya kung sino at nakita niya si Edu na naka-sumbrero ng combachero at kumakanta with matching sayaw.
“Siyempre tuwang-tuwa naman ako, alam n’yo naman ako at kinikilig ako, siyempre kita n’yo na kung bakit (sabay turo sa aktor) kita n’yo naman ang itsura ang guwapo, di ba?” say ng aktres.
Tila kinilig naman si Edu sa narinig dahil napakain bigla at saka kumanta ng comba-combachero at inilarawan pa kung anong klaseng sumbrero ang suot niya.
“Pero marami ‘yung magagandang alaala, I’m sure habang nagkukuwentuhan tayo marami pang lalabas,” sambit nito.
Si Edu naman ang nag-share ng magandang alaala niya sa ex-wife dahil sabi nga nito walang negativity at good vibes lang lalo na pag taping ay doon siya kilalang-kilala ng mga staff and crew lalo na kapag last day na.
“Kasi everybody happy lagi kang hinihintay pag last day (sabay muwestrang namimigay ng sobre ang aktres), sobre utility, sobre art department, ako lang ang hindi naabutan,” natatawang sabi ng aktor.
“Ha-hahahaha! Bakit naman kita aabutan?” tumatawang tanong ng aktres.
Dagdag pa, “Ito ang vlog kong tawa ako nang tawa.”
“Ano gusto mo, seryoso? Gusto mo i-cut natin?” tanong kaagad ni Edu na umiling naman ang aktres.
Marami pang inalalang memories ang dalawa na talagang good vibes lang at dahil maganda ang feedback ng mga nakapanood na umabot sa kulang 2,500 comments na ang ganda raw panoorin ang dalawa na hindi moa lam ay nakangiti ka na rin.
At balita namin ay may part 2 ang kuwentuhan nina Edu at Marya.
Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako?
Luis ka-join sana sa 1986 movie na ‘Ninja Kids’: Ako dapat ang bida roon, pero…