R’Bonney Gabriel nakauwi na ng Pinas makalipas ang 5 taon: We are so happy to be here!

R’Bonney Gabriel nakauwi na ng Pinas makalipas ang 5 taon: We are so happy to be here!

PHOTO: Instagram/@missuniverse

NANDITO na sa ating bansa ang reigning Miss Universe na si R’Bonney Gabriel.

‘Yan ay ilang araw bago maganap ang inaabangang coronation night ng Miss Universe Philippines 2023.

Sa pamamagitan ng Instagram noong May 10 ay excited na ibinalita ni R’Bonney na nakarating na siya ng Manila.

Kasama ng beauty queen ang kanyang mga magulang na sina Remigio Bonzon at Dana Walker, pati na rin ang presidente ng Miss Universe Organization (MUO) na si Paula Shugart, at dating Miss Universe talent director na si Esther Swan.

“Hello! Magandang araw sa lahat sa inyo,” pagbati ng reigning Miss Universe sa isang IG video.

Sey pa niya, “I just landed in the Philippines. Mabuhay! We are so excited. We just landed after a 17-hour flight.”

“We are so happy to be here in the Philippines. Everybody is so nice,” aniya pa.

Nakwento rin ng Filipino-American beauty queen na taong 2018 pa nang huli siyang nakabisita sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: R’Bonney Gabriel nagkaroon ng ‘identity crisis’ sa pagiging half-Pinoy, wish na makapunta sa Pinas this year

“I’m so happy to be back. So, I haven’t been back in five years. The last time I was here was in 2018 with my parents,” chika niya.

Bukod diyan, ibinandera rin sa Miss Universe Instagram account ang ilang eksena sa airport na kung saan ay niyakap ni R’Bonney ang kanyang mga magulang, pati na rin ang pagpapaunlak niya ng interview sa ilang reporters.

Saad sa caption, “Mabuhay Philippines! @rbonneynola arrives in Manila for the first time since winning the Miss Universe title.”

Kasalukuyang nananatili si R’Bonney at ang Miss Universe team sa Okada Manila sa Parañaque.

‘Yan ay base na rin sa uploaded pictures ng nasabing luxury hotel sa kanilang IG account.

Si R’Bonney ang kauna-unahang Filipino-American na nakakuha ng Miss Universe title na naganap noong Enero sa New Orleans sa Amerika.

Ang beauty queen ay magsisilbing special guest para sa coronation ng Miss Universe Philippines na mangyayari sa May 13.

Makakasama niya riyan si Miss Universe 2019 na si Zozibini Tunzi.

38 official candidates ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe Philippines na kasalukuyang hawak ni Celeste Cortesi.

Ang magiging grand winner ngayong taon ay isasabak sa El Salvador na kung saan ay posibleng makuha ng ating bansa ang ika-limang titulo ng Miss Universe.

Related Chika:

Read more...