Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako? | Bandera

Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako?

Therese Arceo |April 21,2022
facebook
share this

Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako?

Therese Arceo - April 21, 2022 - 08:44 PM

Edu Manzano umalma kay Leni Robredo nang pansinin si Piolo: Paano naman ako?

HINDI mapigilan ng TV host-actor na si Edu Manzano ang magpahaging kay Vice President Leni Robredo matapos nitong magbigay ng mensahe sa Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

Sa Twitter account nito ay pabirong nanawagan ang dyowa ni Cherry Pie Picache na sana ay mapansin rin siya ng presidential candidate.

“VP Leni, paano naman ako? Magaling naman akong umarte. Hindi kasing pogi ni Piolo pero cute,” saad ni Edu sa kanyang tweet kalakip ang video ng kandidato na nagbibigay mensahe kay Papa P.

Matatandaang nitong nakaraang araw ay nag-trending si VP Leni sa social media matapos mag-viral ang bahagi ng kanyang livestream kung saan bigla siyang na-conscious sa pagsasalita nang malaman niyang nanonood si Piolo sa kanya.

Naaliw naman ang mga netizens sa kwelang pagmamakaawa ni Edu na sana ay mapansin rin siya ng bise presidente ng bansa.

“Doods kitakits sa Manila Pen. Sumama ka na sa PressCon!” pabirong saad ng @MgaGwapoForLeni na nag-trending rin nang maglabas ng satire post na magpapa-presscon daw matapos maungusan ni Piolo ang kanilang kagwapuhan.

Sey naman ng isa pa, “May survey daw na closs fight between Edu & Piolo among women age 55-70. Ano kaya yung tanong sa survey?”

“Doesn’t matter. Makadikit lang ako kay Piolo ok na ako!” sagot naman ni Edu.

Samantala, noon pa man ay nagpakita na ng pagsuporta si Edu pati na rin ang kanyang showbiz girlfriend na si Cherry Pie kay Vice President Leni Robredo maging sa ka-tandem nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa katunayan, ilang Leni-Kiko campaign rallies na rin ang nasamahan ng dalawa kung saan boluntaryo nilang ikinampanya at inendorso ang lahat ng kandidato ng tRoPang Angat.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

Edu Manzano, Cherry Pie Picache bet pang magka-baby: Ang ganda siguro ng anak natin

Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending