Ruffa kinakarir ang master’s degree in communication sa PWU, nagsimula nang magplano para sa thesis: ‘If I can do it, so can you…aim high!’
IBINANDERA ng aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez ang pagiging busy hindi lang sa kanyang showbiz career kundi maging sa kanyang pag-aaral.
Masayang ibinalita ni Ruffa na tuloy-tuloy pa rin ang pagsisipag at pagpupursigi niya para makuha ang inaasam na master’s degree in communication sa Philippine Women’s University.
Sa kanyang Instagram account, ni-repost ng aktres at dating beauty queen ang mga litrato na kuha sa kanyang college graduation kung saan siya nagtapos ng bachelor’s degree in Communication Arts last year.
View this post on Instagram
Sa inilagay niyang caption, sinabi ni Ruffa na sinisimulan na niya ngayon ang pag-iisip tungkol sa gagawin niyang thesis.
“Amid my hard-pressed schedules, I continue to pursue my MA in Communication at Philippine Women’s University – School of Arts and Sciences.
“I am now conceptualizing my thesis under the tutelage of an adviser who has published in SCOPUS-indexed international journals.
Baka Bet Mo: Paul Soriano piso lang ang sasahurin bilang presidential adviser ni Bongbong Marcos
“As an adage says, hope springs eternal. If I can do it, so can you. Aim high! Onwards and upwards!
“PS: These photos & video were taken during PWU’s Graduation Ceremony last September 2, 2022, more than 8 months ago. Time flies indeed,” ang buong mensahe ng aktres.
View this post on Instagram
Bumuhos naman ang pagbati at iba pang inspiring message para kay Ruffa mula sa kanyang social media followers, kabilang na ang kanyang mga celebrity friends, kabilang na sina Nadia Montenegro, Karla Estrada, Sunshine Cruz, at Charlene Gonzales.
Proud na proud ang mga ito sa mga achievements ni Ruffa at talagang bilib na bilib sila sa pagpupursigi nitong matapos ang kanyang master’s degree.
“Congratulations mare!!! I’m so proud of you!!!” ang komento ni Karla Estrada.
Mensahe ni Sunshine Cruz, “Congratulations Ruffie!! So proud of you!!”
“So proud of you Ruf! Go! Go! Go!” ang pagbati naman ni Madia Montenegro.
Paulit-ulit na binabanggit ni Ruffa sa mga past interview sa kanya ng press na si Herbert Bautista ang talagang nangumbinsi sa kanya na tapusin ang pag-aaral at nagpapasalamat siya sa dating mayor ng Quezon City dahil dito.
Hidilyn Diaz ibinandera ang pagpasa sa thesis defense; desididong makatapos ng college
Regine Velasquez ginawang thesis subject ng isang loyal fan: It’s really humbling
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.