Bossing Vic sa P30-M utang sa kanya ng TAPE bilang host ng Eat Bulaga: ‘OK na, bayad na!’

Bossing Vic sa P30-M utang sa kanya ng TAPE bilang host ng Eat Bulaga: 'OK na, bayad na!'

Vic Sotto, Maja Salvador at Jose Manalo

KINUMPIRMA ng veteran comedian at TV host na si Bossing Vic Sotto na nabayaran na ng TAPE, Inc. ang pagkakautang sa kanya na nagkakahalaga ng mahigit P30 million.

Kanina sa presscon ng bago niyang sitcom sa GMA 7, ang “Open 24/7” kasama sina Maja Salvador at Jose Manalo, natanong nga si Bossing tungkol sa nasabing isyu.

Nu’ng una ay inakala ng mga miyembro ng entertainment media na nagbibiro lamang ang husband ni Pauleen Luna dahil sa batuhan nila ng joke ni Jose sa question and answer portion ng mediacon.

Pero sa ambush interview ng media, kasama na ang BANDERA, ay sinabi nga ni Bossing na totoong bayad na siya at naayos na sa wakas ang problema.

“Okay na bayad na, buti na lang na-media,” ang nakangiting pahayag ng TV at movie icon.


Nang ulitin ang tanong tungkol sa naturang kautangan para muling kumpirmahin kung true nga ito, sey ni Bossing Vic, “Oo, nabayaran na! It’s not a joke.”

“Nabayaran na, thank you. Hindi ko naman inaasahan yun, kaya thank you na rin,” aniya pa.

Pero nang tanungin kung magkano ang eksaktong halaga ng binayaran sa kanya, ang sagot ni Bossing ay, “Secret!” na sinundan ng malakas na tawanan ng press.

Baka Bet Mo: Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

Chika pa ng veteran TV host, matagal nang nagkakaproblema ang “Eat Bulaga” kaya hindi na bago sa kanila ang mga nangyayari ngayon sa programa, lalo na sa kanila nina Tito Sotto at Joey de Leon.

“Alam n’yo ang TVJ sanay na sa mga ganu’n, we’ve started halos wala kaming sinusuweldo. Sabi ko nga nu’ng isang araw, hindi naman pera-pera lang ang usapan, e.


“Mas mahalaga pa rin yung prinsipyo sa pera,” mariing sabi ni Bossing.

Natanong din ang komedyante kung okay na ngayon ang “Eat Bulaga” matapos maglabasan ang rebelasyon hinggil sa pinagdaraanan ng buong produksyon, kabilang na ang mga hosts.

“I will comment on that when the time comes, sa tamang panahon,” sagot ni Bossing Vic.

Samantala, bukod kina Bossing, Maja at Jose, ka-join din sa “Open 24/7” ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, ang Sparkle artists na sina Riel Lamodilla, Anjay Anson, Kimson Tan, Abed Green at Bruce Roeland as Doe.

Mula sa direksyon ni JR Reyes under M-Zet Productions, mapapanood na ang “Open 24/7” simula sa May 27, pagkatapos ng “Magpakailanman” sa GMA 7.

OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’

Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: ‘Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey’

Read more...