SABIK na sabik na ang international pop superstar na si Taylor Swift para sa kanyang ilalabas na album.
Sa July 7 na kasi mapapakinggan ng fans ang “Speak Now (Taylor’s Version)” album na parte ng kanyang re-recorded series.
Ang masayang balita ay unang inanunsyo ng singer sa gitna ng kanyang “The Eras Tour” concert na naganap kamakailan lang sa Nashville, Tennessee.
Hindi naman nagtagal nang ibinandera niya rin ito mismo sa kanyang social media.
Kwento pa nga ni Taylor, ang mga kanta sa “Speak Now” ay naisulat niya noong nasa murang edad pa lamang siya.
Tungkol daw ito sa kanyang paglaki at ilang mga sikreto noong siya ay bata pa.
“I first made Speak Now, completely self-written, between the ages of 18 and 20,” sey niya sa Instagram post.
Baka Bet Mo: Taylor Swift may bagong ka-date, nababalitang ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975
Aniya, “The songs that came from this time in my life were marked by their brutal honesty, unfiltered diaristic confessions and wild wistfulness.”
Ibinunyag din ng pop star na bukod sa re-recorded songs ay tampok din ang ilang “unreleased tracks.”
“With six extra songs I’ve sprung loose from the vault, I absolutely cannot wait to celebrate ‘Speak Now (Taylor’s Version)’ with you on July 7th,” sa kanyang caption.
Chika pa niya, “I always looked at this album as my album, and the lump in my throat expands to a quivering voice as I say this.”
“Thanks to you, dear reader, it finally will be. I consider this music to be, along with your faith in me, the best thing that’s ever been mine,” ani pa niya.
Ang “Speak Now” ay ang ikatlong re-recorded album matapos ilabas ang “Fearless” at “Red” albums noong 2021.
Related Chika: