Thai owner ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip bibisita sa Pinas: I feel like going back home!
BILANG nalalapit na ang kaabang-abang na coronation day ng Miss Universe Philippines, ibinunyag ng may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip na bibisita siya sa Pilipinas.
Wala pang detalye kung kailan siya magpupunta sa ating bansa, pero masaya niyang inihayag sa kanyang Instagram account na excited na siya.
“Hello Universe!!!! Hello The Philippines !!!! [Philippine flag emoji] Mabuhay!!! [red heart emoji] Love you and see you soon,” sa kanyang caption.
Sinabi pa niya na handang-handa na siyang magpaunlak ng interview at magsuot ng mga kasuotan na gawang Pinoy.
Sey niya sa IG post, “MU team is ready to wear your gowns, do the interviews, shout out my signature greeting, join your shows, and entertain everyone of you with lots of love [sparkling emoji].”
Nauna na rin siyang nagpasalamat dahil sa matatanggap niyang mainit na pagsalubong sa araw ng kanyang pagdating sa bansa.
“Thank you for your kindness and warm welcome in advance,” lahad niya.
Baka Bet Mo: Bagong may-ari ng Miss Universe binanatan ng bashers, ‘nakikipagkumpetensiya’ raw sa mga kandidata
Naikwento rin niya na apat na taon na ang nakakaraan nang huli siyang magtungo sa Pilipinas.
Dahil daw diyan, pakiramdam niya ay uuwi siya sa kanyang tahanan.
Masayang-masaya rin daw siya dahil makikita na niya ang ilan niyang mga kaibigan at fans.
“I’m extremely grateful to be back after almost 4 years. I feel like going back home and seeing lots of great friends, particularly all of the lovely fans!!! [folded hands emoji],” saad ng Miss Universe owner.
View this post on Instagram
Noong nakaraang buwan lamang, kinumpirma ng Miss Universe Philippines organization na magsisilbing guest sa darating na coronation night ang reigning Miss Universe na si Gabriel R’Bonney.
Kasama rin si sa upcoming event si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.
Ayon din sa organizers, ang magsisilbing main pageant hosts ng coronation night ay mga aktor na sina Alden Richards at Xian Lim.
Habang ang magiging backstage hosts ay sina Miss Globe 2021 Maureen Montagne at ang celebrity na si Tim Yap.
Ang bubuo naman sa star-studded event ay ang South Korean idol na si Nam Woo-hyun at ang Filipino American singer na si Jessica Sanchez na nakatakdang mag-perform.
38 official candidates ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe Philippines na kasalukuyang hawak ni Celeste Cortesi.
Ang magiging grand winner ngayong taon ay isasabak sa El Salvador na kung saan ay posibleng makuha ng ating bansa ang ika-limang titulo ng Miss Universe.
Related Chika:
R’Bonney Gabriel bibisita ng Pinas sa Mayo, magiging ‘special guest’ ng Miss Universe PH coronation
Miss Universe R’Bonney Gabriel rarampa sa Pinas: For all the Filipinos, I can’t wait to meet you!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.