Kendra Kramer ibinandera ang ‘first’ car sa edad 13

Kendra Kramer ibinandera ang ‘first’ car sa edad 13: I named her, BLUSH! 

Pauline del Rosario - May 08, 2023 - 10:20 AM

Kendra Kramer ibinandera ang ‘first’ car sa edad 13: I named her, BLUSH! 

PHOTO: Instagram/@kramer.kendra

TILA naging emosyonal ang TV personality na si Kendra Kramer sa kanyang latest post.

Sa murang edad pa lamang kasi ay nagkaroon na siya ng kotse.

Sa Instagram, ibinandera niya ang isang picture na kung saan ay naka-pose siya sa tabi nito.

Sey pa niya, “I feel like crying! My very first car!!”

Bukod diyan, proud din niyang ibinalita na hindi ito basta-basta dahil isa itong electric car.

“And the beauty beyond the cute color, and friendly price, is that it’s ALL ELECTRIC! Nature friendly! [emoji], caption niya.

Nakwento pa niya sa IG post na binigyan niya ng pangalan ang kauna-unahan niyang electric car at ito raw ay si “Blush.”

Paliwanag niya, “Because she makes me blush whenever I see her! [red heart emojis].”

Baka Bet Mo: Kendra Kramer hindi pa feel mag-join sa beauty contest; gustong maging model, doktor, atleta at negosyante

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami ang napa-wow sa latest post ni Kendra at kabilang na riyan ang ilang celebrities.

“Lucky girl!!! [heart emojis],” komento ng TV host na si Iya Villania.

Saad naman ng mister ni Bianca Gonzales at basketball player na si JC Intal, “Ate @kramer.kendra, pwede kayo mag joy ride with Lucia and Carmen soon?”

Si Kendra ang panganay sa tatlong anak ng celebrity parents na sina Chesca Garcia at Doug Kramer.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng groundbreaking ceremony ang Team Kramer para sa bahay na ipinapatayo na parte ng kanilang “build and sell passion project.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kendra Kramer pangarap maging supermodel, pero hindi raw ito pang-forever kaya gusto ring maging negosyante at doktor

Kendra Kramer niregaluhan ng Rolex watch nina Chesca at Doug na nagkakahalaga ng halos P500k

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending