Kendra Kramer niregaluhan ng Rolex watch nina Chesca at Doug na nagkakahalaga ng halos P500k Bandera

Kendra Kramer niregaluhan ng Rolex watch nina Chesca at Doug na nagkakahalaga ng halos P500k

Ervin Santiago |July 05,2022
share this

Kendra Kramer niregaluhan ng Rolex watch nina Chesca at Doug na nagkakahalaga ng halos P500k

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 02:14 PM

Kendra, Doug, Chesca at Scarlet Kramer

NIREGALUHAN ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer ang panganay nilang anak na si Kendra Kramer ng Rolex Lady Datejust watch.

Ito ang naisip na birthday gift ng celebrity couple kay Kendra na isa na ngayong certified teenager na nag-celebrate ng kanyang ika-13 kaarawan nitong nagdaang June 25.

Simple lang ang naganap na selebrasyon sa 13th birthday ni Kendra na in-organize ng kanyang parents at dinaluhan ng malalapit niyang kaibigan.

Sa bagong YouTube vlog ng Team Kramer, sinabi nga nina Doug at Chesca na binigyan nila si Kendra ng mamahalin at sosyaling Rolex watch kung saan ang band nito ay gawa sa oystersteel and yellow gold.
Base sa official website ng nasabing brand, ang isang 28mm Lady Datejust ay nagkakahalaga ng halos P500,000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Clair Kendra Kramer (@kramer.kendra)


Ipinaliwanag naman ni Doug kung bakit expensive watch ang iniregalo nila kay Kendra, “I think, what’s the most important thing is what Mommy and I and your siblings have shown you is how quality and quantity of time is so important.

“So as a symbol of time, this is a little reminder of how precious you are and how precious time is, okay?” sabi pa ng dating professional basketball player.

Hirit naman ni Chesca, “Pumayag ako kasi I’m gonna wear that too, ‘no!”

Ipinakita rin sa video ang “promise ring” na ibinigay nina Chesca at Doug noong 7th birthday ng kanilang panganay na sumisimbolo sa pangako ni Kendra na laging babaunin ang ang mga aral at payo ng kanyang parents sa pagdedesisyon.

Sabi ni Doug, “So this is a reminder, Kenny, because you’re now a teenager, right? You know that for mommy and daddy, we can only tell you so much advice and guidance.

“There will be some times that you will need to say yes on your own, say no on your own, right?

“So this is just a reminder, you know this, remember, this is your promise ring when you were seven years old. So I want you to wear it tonight.

“Remember what a promise ring is? It’s an outward symbol of a promise between two people, right?

“So don’t forget how Papa and Mama treat you, the love we show you. And don’t give away your love so easily sweetheart. Take care of it? Okay baby?” paalala pa ni Doug at anak.

Bukod sa mamahaling relo, nakatanggap din si Kendra ng regalo mula sa sister niyang si Scarlet — isang pares ng Coup De Foudre bracelets (mahigit P10,000 ang presyo) mula sa Charriol para sa kanilang dalawa.

Mensahe ni Scarlet sa kanyang ate, “Ate Ken, thank you for being the best sister and my best friend. You will always be my sister and I love you so much.”

Ayon kay Chesca mismong si Scarlet ang pumili ng gift niya para kay Kendra, “She bought that from her own money!”

‘Team Kramer’ kasya sa isang kama

Chesca Garcia payag bang sumali sa mga beauty pageant si Kendra Kramer?

#SanaAll: Gerald niregaluhan ng Rolex watch si Julia last Christmas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending