Regine bilib na bilib sa pagmamahal ni Jona sa mga hayop: ‘Humihinto pa yan sa EDSA para mag-rescue ng kuting’

Regine bilib na bilib sa pagmamahal ni Jona sa mga hayop: 'Humihinto pa yan sa EDSA para mag-rescue ng kuting'

Regine Velasquez at Jona

SALUDO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa anak-anakan niyang si Jona Viray sa pagiging fur parent at animal welfare advocate.

Aabot na sa 70 ang na-rescue na aso at pusa ng biriterang singer at tinaguriang Fearless Diva na talagang inaalagaan niya ngayon nang bonggang-bongga.

Hindi lang si Regine ang humanga at bumilib sa pagmamahal ni Jona sa mga hayop kundi pati na rin ang dalawa pang “Magandang Buhay” host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.


“Nu’ng bata pa lang din ako. Gustung-gusto ko mag-alaga ng aso, pusa, birds. Kaya lang hindi pwede kasi ‘yung kapatid ko may asthma so late bloomer ako nagkaroon ng mga alaga,” ang kuwento ng Kapamilya singer sa morning talk show ng ABS-CBN last Thursday.

Ayon pa sa dalaga, mismong ang talent manager niya ang nag-inspire sa kanya na mag-rescue ng mga aso at pusa na nakikita niya sa lansangan na karamihan ay marurumi at may sakit na.

Baka Bet Mo: 70 na ang alagang aso’t pusa ni Jona sa bahay; gumagastos ng P70k kada buwan

“‘Yung iba biktima ng hit and run. Yung iba naman talaga namang na-neglect na sa kalsada. Wala nang mga balahibo, punong-puno ng pulgas, mga ganong sitwasyon,” ani Jona.

Sey naman ni Regine, isa siya sa mga nakasaksi sa grabeng pagmamahal at pagmamalasakit ni Jona sa mga hayop, “Jolens, ito si Jona, humihinto sa EDSA ‘yan para mag-rescue ng kuting.

“Humanga ako rito kay Jona sa kanyang love and passion niya sa pag-rescue ng mga animals,” sey pa ng Songbird.


“Actually, hindi ko naman talaga magagawa mag-isa without the help of course, si Ate Arlene at RM (road manager) ko nu’n na si Mau. Parang kami ang mini team sa pagre-rescue,” pagbabahagi pa ng singer.

Nagpatayo na rin si Jona ng isang animal shelter sa isang lugar sa Rizal kung saan nila dinadala ang mga nare-rescue nilang mga hayop na basta na lang iniiwan at pinababayaan ng ilan nating mga kababayan.

“Nandu’n ‘yung fulfillment kasi nakagawa ka ng good deeds especially sa mga voiceless na creatures,” sabi pa ni Jona na inaming hindi madali ang pagsasakatuparan ng kanyang adbokasiya.

“Like one time papunta ako ng event sa Sofitel tapos we had to stop somewhere para i-rescue ‘yung pusa na nasa gitna ng EDSA,” kuwento pa ng dalaga.

Karla Estrada kinoronahang Mrs. Universe PH Advocate Queen 2022: ‘Cheers to all momshies!’

Jona wala pa ring dyowa; busy sa pagliligtas, pag-aalaga ng mga aso’t pusa

Read more...