Luis Manzano nagpositibo sa COVID-19, may babala sa netizens: Tumataas na naman cases! | Bandera

Luis Manzano nagpositibo sa COVID-19, may babala sa netizens: Tumataas na naman cases!

Therese Arceo - May 06, 2023 - 03:53 PM

Luis Manzano nagpositibo sa COVID-19, may babala sa netizens: Tumataas na naman cases!

NAG-POSITIVE ang TV host-actor na si Luis Manzano mula sa sakit na COVID-19.

Ito ay ibinahagi at kinumpirma niya sa madlang pipol ngayong Sabado, May 6 sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

“Stay sage everyone! Tumataas nanaman cases!” pagbabahagi ni Luis kalakip ang larawan ng kanyang positive COVID-19 test kit.

Dagdag pa niya, ito raw ang unang pagkakataon na tinamaan siya ng COVID-19 buhat nang magkaroon ng pandemya noong 2020.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang dasal at mensahe ng agarang paggaling para sa anak nina Vilma Santos at Edu Manzano.

“Love you anak !!” komento ng ina ni Luis na si Ate Vi.

Saad naman ni Vanessa Matsunaga, “God bless you and keep you and your family safe. You will recover super fast, in the name of Jesus.”

Baka Bet Mo: Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

“Pagaling ka! Kaya mo yan batang mabait,” sey naman ni Sylvia Sanchez.

Nag-comment rin ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola.

“We love you, papa! You will recover quickly for sure!” pagpapalakas loob niya kay Luis.

Sa kanyang reply, miss na miss na niya ang kanyang mag-ina dahil paniguradong naka-quarantine ito at hindi pa maaaring makalapit sa dalawa bilang pag-iingat na rin sa anak nitong si Baby Peanut.

Kamakailan lang nang maganap ang pagpapabinyag nila sa kanilang first-born daughter na dinaluhan ng mga kaanak at malalapit na kaibigan ng dalawa sa labas at loob ng mundo ng showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vilma Santos napaluha nang mapag-usapan ang kinasasangkutang issue ni Luis Manzano: Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko

Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending