Ian Veneracion agaw-eksena sa beach wedding ni Cathy Garcia, nag-paragliding papuntang venue: ‘Pa-Tom Cruise ang grand entrance!’

Ian Veneracion agaw-eksena sa beach wedding ni Cathy Garcia, nag-paragliding papuntang venue: 'Pa-Tom Cruise ang grand entrance!'

Ian Veneracion

IBANG klase ang paandar ni Ian Veneracion nang dumalo siya sa kasal ni direk Cathy Garcia-Molina sa cinematographer na si Louie Sampana recently.

Who wouldn’t, eh, nag-paragliding lang naman si Ian papunta sa kasal ni direk Cathy.

Talagang marami ang napahanga at kinilig nang lumapag si Ian dahil bukod sa napakaguwapo nito ay talagang maangas ang kanyang grand entrance, something which has never been done by any local actor sa pagkakaalam namin, ha.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Ian ng kanyang pagdating sa kasal ni direk Cathy.


Kuha sa video ang pagpapasabog niya ng petals habang nasa ere kaya naman sigawan ang mga guests.

“Showering you with love and petals from the sky. Congratulations Direk Cathy and Brother Louie Louie Louie!” say ni Ian sa kanyang caption.

Baka Bet Mo: Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko

Kitang-kita sa video na ang mga unang nag-welcome kay Ian ay sina Joross Gamboa and comedian Jeffrey Tam.
Siyempre pa, ang daming nag-react sa grand entrance ni Ian sa beach wedding ni direk Cathy.

“Pa Tom Cruise ang arrival.”

“Ahhh what a way to enter-frame Papa @ianveneracion1 iba ka talaga you always make the simple situation a very memorable one. May  ka A for effort yan. kaya ka na mi-miss eh.”


“A very kind gesture of you @ianveneracion1. Soaring high to shower love and petals to a dear friend. I love you.”

“Ay iba talaga magpakita ng love ang isang @ianveneracion1.”

“Congratulations Direk Cathy @kaybash1326 and to your husband po. Such a sweet and thoughtful friend papa @ianveneracion1. Soar high Papa eeee.
“fanciest flower boy/man Sir Ian!”

“Wow what a way to show.”

“You are a very good friend, sharing happy moments with Direk Cathy and her husband. You are very thoughtful. Sayang if only her @beaalonzo allowed her, i sure she would have been there too.”

“Wow napaka sweet mo friend papa @ianveneracion1 kay Direct Cathy.”

“You are the sweetest Papa Eeeee @ianveneracion1. Congratulations Po Direk Cathy @kaybash1326 and Sir Louie.”

Star-studded ang wedding, ha! Naroon kasi sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Alden Richards.

Incidentally, inaabangan na ang paglabas ni Ian sa “The Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Jed, Nyoy, Louie umaming napakahirap ng trabaho bilang hurado sa ‘TNT’

May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?

Read more...