Alagang aso ni Kim na si Hudson hindi na pwedeng tumakbo dahil sa heart problem; dasal ng ‘It’s Showtime’ fans dininig na

Alagang aso ni Kim na si Hudson hindi na pwedeng tumakbo nang tumakbo dahil sa heart problem; dasal ng 'It's Showtime' fans dininig na

Kim Chiu at Hudson

RELATE na relate ang  followers ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu when she posted a short video of her dog Hudson.

Ang daming naka-appreciate sa post niyang iyon lalo pa’t ikinuwento niya kung paano siya napapaligaya ng kanyang pet dog.

“It’s been a while since I played with Hudson. This morning, Im about to work out, then he got extra lambing and clingy.

“Hudson somehow knows how I feel; whenever I feel down, he instantly goes to me and hugs me, and plays with me. After that, I feel much better, or sometimes just Hudson being kulit,” say niya sa caption.

Slightly ay nalungkot si Kim dahil hindi na niya nakakasamang tumakbo si Hudson.

“He was my running buddy back then. Sadly he can not run anymore because of his heart problem, walking na lang, or sometimes free hugs.


“After almost an hour of lambing pede na mag workout! La lang, na share ko lang in the morning! GOOD MORNING, everyone from #Hudson and Me!” dagdag niyang chika.

With that ay relate na relate ang IG followers ni Kim. Sa comment section ay binaha siya ng positive messages, all of them praising her for being a fur mom.

“Same with my Kogkog, he is a source of comfort for my kids. He will worm his way into their arms whenever he sees them crying. He doesn’t like to be held for long, but stay still when he sense that my kids are in sorrow.”

Baka Bet Mo: Hugot ni Juday sa sibuyas: Dati kailangan ka munang hiwain bago maluha, ngayon iniisip pa lang kita, naiiyak na ‘ko sa presyo mo!

“Hi baby boy hudson ang sweet at pogi muna man binabantayn mo po tlga amo mo.”

“Fur mom here …  nakakatanggal sila ng pagod.”

“The best therapist indeed. I walk with our dog too.”

“Hello Hudson. There are many good reasons why dogs are humans best friends.”

“Stay healthy bby boy Hudson.”

“Kim’s therapy out of stress is Hudson.”

Samantala, super happy si Kim na balik na sa 12 noon ang timeslot ng It’s Showtime.”

Pasabog na opening number ang hinanda ng hosts ng “It’s Showtime” sa kanilang pagbabalik sa 12 noon timeslot nitong Lunes (May 1).

Ayon nga kay Vice, wish granted ito para sa kanila at para na rin sa mga madlang people na walang sawang sumusuporta sa kanila. Nag-abot din ng pasasalamat ang hosts sa TV5 sa kanilang bagong timeslot.

“Hindi lang naman tayo ang nag-wish at nagdasal para dumating ang araw na ito. Ang daming madlang people ang nagdasal to make this happen.


“Ang dami sa kanilang nagre-request at nagsasabi ng kanilang damdamin na sana mas mahaba yung oras. Nami-miss namin yung dati nilang ginagawa. Sana hindi kami mabitin. So ito na iyong dinasal ninyo, ibinigay na sa atin,” saad niya.

Sa kanilang unang araw sa bagong timeslot, nakasama nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Amy Perez, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, MC, at Lassy ang dating contestants at winners ng”Miss Q &A,” “Reina ng Tahanan,” “Showtime Sexy Babe,” at “Tawag ng Tanghalan”pati na ang Batang Cute-Po ng “Isip Bata” at miyembro ng Hashtags.

Bukod naman sa bagong timeslot, inanunsyo rin ng palabas ang pagbabago sa “Isip Bata.” Madadagdagan na ng P25,000 ang pot money ng segment sa susunod na araw sa tuwing hindi makukuha ang premyo.

Unang beses din narinig ng madlang people ang pinakabagong single ni Vice na “Rampa” samantala nagsimula na rin ang semifinals ng ika-anim na season ng “Tawag ng Tanghalan.”

Subaybayan nga kung sino-sino sa 12 semifinalists ang uusad sa ‘Huling Tapatan’ ng “TNT.”

JC Santos naging pasaway din noon: Lumaki ako na maraming bad decisions at maraming pagkakamali

Pia sa ‘toxic’ culture ng mga Pinoy na ‘utang na loob’: Kailan ba mababayaran ang utang na iyan…relate na relate ako diyan!

Read more...